Anak umano ng "atheist", tinanong ang Santo Papa kung nasa langit ang pumanaw na ama

Anak umano ng "atheist", tinanong ang Santo Papa kung nasa langit ang pumanaw na ama

- Emosyonal ang pagtatagpo ng batang si Emanuele at Santo Papa at binigyan pa ito ng pagkakataon na magtanong dito

- Sa sobrang kaba, di niya ito nasabi sa mikropono kaya pinalapit na lamang siya ni Pope Francis upang masabi ang katanungan

- Ang Santo Papa na mismo ang nagsabi ng katanungan ng bata pati na rin ang kasagutan niya ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo sa halos 40 milyong views ang emosyonal na pagtatanong ng isang bata sa Santo Papa.

Sa video na binahagi ng USA today, isang batang lalaki na may pangalang Emanuele ang nagtanong kay Pope Francis kung pupunta ba ng langit ang kanyang ama na isang 'atheist' o walang pinaniniwalaang Diyos.

Nalaman ng KAMI na labis labis ang kaba ng bata na di niya ito masabi sa mikropono.

Dahil dito pinalapit na siya ng Santo Papa at ito ay kanyang niyakap at kinausap.

Humingi rin si Pope Francis ng permiso kay Emanuele kung maari niyang ibahagi ang katanungan at kasagutan niya ukol rito.

Pinaliwananag ng Santo Papa na bagaman at aminado walang Diyos sa sistema ang ama ng bata, pinabinyagan naman niya ang apat nitong mga anak.

Bukod pa rito, nilarawan ng bata ang kanyang ama bilang "good man" na siyang pinagtuunan ng pansin ni Pope Francis sa kanyang paliwanag kung nasa langit nga ba ang ama ng batang pumanaw kamakailan lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi ng Santo Papa na dahil sa mata ng bata ay mabuting tao ang kanyang ama, dahil hinayaan niya ring binyagan sa simbahan ang kanyang mga anak, dahil nakuha na rin ng anak niya ang katapangan at mabuting puso, di raw hahayaan ng Panginoon na isa ring ama na malayo ang tatay ng bata sa kanya na naging mabuti sa mundo kahit pa wala itong pinaniniwalaang Diyos.

Napaka-makabuluhan ng paliwanag na ito ng Santo Papa kaya naman nag-viral ang video.

Sinabi rin niyang tanging ang Diyos lamang ang makapagsasabi kung sino ang pupunta ng langit at ang hindi.

Pinaliwanag rin niya muli kay Emanuele na marahil 'proud' pa rin ang Panginoon sa ama nito at ang pagpapabinyag na lamang nito sa mga anak niya kasama si Emanuele ay isang halimbawa na lamang ng kabutihan ng puso ng ama.

Maraming netizens ang namangha sa tagos sa pusong sagot ng Santo Papa sa tanong ng bata, narito ang kanilang mga komento:

"I am a non believer. I don't believe in god, don't believe in religion, any religion. But this pope is something else. This pope is human, realist, honest and caring. I can respect this man's vision for his church and it's followers. I respect this man."
"I really think our lives are still as unbelievable believers, we can still look upon our lives and look at how we walk in ourselves! But as a man who is atheist and baptized his children to believe, he gave hope and faith, a sacrifice! That’s what he was saying!"
"I may not be Catholic buy this Pope has my blessings as he is showing the world how to be a humanitarian and w/o going against Catholic doctrine he was able to give this child and perhaps others a calm and peaceful mind"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel