Bibliya, ginagamit na rin umanong taguan para sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot

Bibliya, ginagamit na rin umanong taguan para sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot

- Nagamit maging ang banal na Bibliya bilang taguan ng ipinagbabawal na gamot na pinupuslit sa isang 'drugden' sa Barangay Molino III

- Nagpanggap pa umanong pupunta sa pagsamba ang lalaking may dala ng bibiliya na may butas sa gitna na siyang lagayan ng droga

- Tinatayang nasa ₱140,000 ang halaga ng droga na nakuha sa lugar bukod pa rito ang mga paraphernalia na nasamsam din ng operatiba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang raid ang naganap sa isang 'drugden' sa Barangay Molino III kung saan pati bibiliya ay ginamit na ring taguan ng pinagbabawal na gamot.

Ayon sa ulat ng GMA news, di pinatawad ng mga di umano'y user at pusher na ito ang paggamit ng banal na aklat para sa operasyon nila ng droga.

Sa pahayag ni Police Superintendent Vic Cabatingan, hepe ng Bacoor Police, aakalain mo lang daw talaga na sasamba ang lalaking may hawak ng bibiliya. Ngunit, nang kanila itong buksan, may butas na pala ang Bibliya na lagayan ng kanilang binebenta.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakilala ang suspek na si Arnel Escobar na di naman tumanggi sa akusasyon. Ngunit, binigyang linaw niya na hindi siya ang 'big-time pusher' ng kanilang lugar.

Sinabi niyang isa lamang siyang runner kaya naman dala niya ang bibliya bilang 'props'.

Isa lamang si Escobar sa ilan pang nahuli sa lugar kung saan nakita rin ang iba pang paraphernalia na ginagamit sa pagdodroga.

Di raw dito titigil ang operatiba sa pagdakip sa mga sangkot sa droga sa lugar na ito at agad silang magkakasa ng follow-up operation.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec wants to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel