Isa na namang di umano'y kidnapper, timbog sa Novaliches QC

Isa na namang di umano'y kidnapper, timbog sa Novaliches QC

- Isa na namang di umano'y bahagi ng sindikato na nangunguha ng bata ang natagpuan sa Novaliches Quezon city

- Binahagi ng isang netizen ang larawan ng naka-posas na babae na sinasabing nangunguha ng bata sa kanilang lugar

- Ito na ang tinatayang pangatlong nahuling kidnapper ngayon lamang buwan ng Pebrero at lahat sila ay pawang mga babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakababahala na ang naglipanang mga kidnappers sa kalakhang Maynila. Matapos ang dalawang naiulat na nahuling mga babaeng bahagi umano ng mga sindikatong nangunguha ng mga bata, isa na namang kidnapper ang tiklo sa Novaliches, Quezon city.

Binahagi ng netizen na si Lanbell Sacay Mapalo ang larawan ng babaeng di umano'y isang kidnapper na timbog sa Crusier, Don Enrique.

Ayon kay Lanbell ang pinsan niyang isang security guard ang nakahuli sa babaeng nangunguha ng bata.

Sa kasamaang palad, nakatakas ang kasamahan ng babae na di nabanggit ang pangalan.

Dahil dito, maigting na pinag-iingat ang mga bata at mga magulang na huwag basta iiwan ang mga anak lalo na pag nasa labas ng kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman at tinatayang tatlo na ang nahuhuling suspek sa kidnapping sa Metro Manila, ay di pa rin tumitigil ang ibang sindikato sa paggawa nito.

Sa mga naunang pahayag ng ibang nahuling kidnapper gaya ni Lilybeth Bustamante, target nila ang mga batang edad pito hanggang sampung taong gulang. Ayon pa sa kanya, kapag malinis at may hitsura ang bata, mas mahal ang bayad sa kanila.

Sa mga impormasyong gaya nito, maging alisto sana ang mga magulang sa pagpapaalala sa kanilang anak na huwag basta-bastang makikipag-usap sa hindi nila kakilala. Lalo na kung masyado na itong mapilit na pumiga ng impormasyon mula sa bata o ang mas malala ay ang pamimilit na sumama pa sa kanila.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel