Mister, nagpasaklolo dahil OFW na misis, hinuhuthutan umano ng nakarelasyong chatmate sa FB

Mister, nagpasaklolo dahil OFW na misis, hinuhuthutan umano ng nakarelasyong chatmate sa FB

- Isang mister ang humingi ng tulong sa asawa ng lalakeng nanghuhuthot sa kanyang OFW na misis

- Pinapadalhan daw ng pera ng OFW si Kuyang nanghuhuthot buwan-buwan

- Ang masaklap, pinabayaan na ni misis ang kanyang mister at kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa panghuhuthot umano ng isang lalake sa isang OFW na misis, madalang na raw pinapadalhan ng allowance ni misis ang huli.

Ito ang naging kuwento ni Richard Buctolan tungkol sa asawang si Geralden Managuing Sugot, isang OFW sa Jordan.

Nalaman ng KAMI na si Kuya Richard ay nakausap at nagpatulong sa misis mismo ng lalakeng tinaguriang OFW predator dahil sa "panghuhuthot" umano sa mga OFW.

Ang lalake ay si Ronnel Valdez at isiniwalat ng kanyang misis na si Ghiera Sorepsin Neel ang ginagawa niya sa mga OFW.

Sa FB post ni Ghiera, ikinuwento niya na nakipag-chat daw ang mister niya kay Geralden.

Nagkaroon ang dalawa ng relasyon at ang masaklap pa ay hindi na niya pinapadalhan ang asawa at anak, dahil dun na nakatuon ang pansin kay Ronnel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa kay Ghiera, paminsan-minsan na lang daw magpadala si Geralden sa mister, anak at tatay na nasa Pagadian. Panglimang OFW na rin daw na biktima si Geralden.

Akala ng pamilya ni Geralden ay nag-iipon siya para makapagpatayo ng bahay, iyon pala ay iba na ang pinapadalhan niya.

Huling padala ni misis ay noong December pa at ang sabi'y ang susunod niya na padala ay sa December ulit.

Hinihiling ngayon ng ama at asawa ni Geralden na umuwi na lag siya.

Bagamat hindi sila kasal, nasa ilalim naman sila ng common-law relationship.

Nagbigay din ng warning si Ghiera sa mga babaeng OFW na wag paniwalaan ang asawa niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How well can they imitate their celeb idols? LizQuen fans accept the LizQuen challenge and many of them nailed it! Check out the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel