Solo parent na may polio, hinangaan sa kasipagan at pagtataguyod ng apat ng anak

Solo parent na may polio, hinangaan sa kasipagan at pagtataguyod ng apat ng anak

- Marami ang naluha sa kwento ng buhay ni Mang Allan, isang solo parent na bagaman at may kapansanan, tinataguyod pa rin ang apat na anak

- Isa sa matinding dagok ng kanilang pamilya ay nang masunugan pa sila noong nakaraang taon at halos wala nang natira sa lahat ng kanyang nai-pundar

- Dahil sa kabutihang loob ng matanda, may mga taong handang tumulong sa kanya at sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang naantig sa kwento ni Mang Allan na binahagi niya sa programang Mission Possible ng ABS-CBN.

Isang watch repairman si Mang Allan ngunit ang kakaiba sa kanya, imbis na pumirmi sa isang lugar, nagagawa pa niyang mag-ikot.

Ang nakakabilib pa sa kanya ay ang di niya pag-inda sa kanyang kapansanan habang naghahanapbuhay.

Mas maiksi kasi ang isa niyang binti dala ng polio kaya mapapansing hirap itong maglakad.

Gayunpaman, di ito naging hadlang upang buhayin niya ang apat niyang anak.

Marami na silang pinagdaanang pamilya at isa na rito ay nang masunugan sila nito lamang Nobyembre ng nakaraang taon.

Mahirap sa kalooban ni Mang Allan ang nangyari dahil sa lahat ng nai-pundar niya ay na-abo.

Tanging ang mga diploma ng matatalino niyang anank ang kanyang nai-salba.

Ngunit dahil sa mabuting puso ni Mang Allan, may kaibigan siyang nagpatira sa kanila. Inayos ng pamilya ni Mang Allan ang lugar at unti-unti na silang nakabangon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil na rin sa pagsusumikap ng matanda, tinulungan sila ng programang Mission Possible upang mabigyan ng maayos na gamit panghanapbuhay si Mang Allan.

Dahil binatilyo na ang kanyang mga anak, tinulungan na rin ng programa ang mga ito na maghanap na rin ng trabaho upang makatulong sa ama.

Nabiyayaan din ng scholarship ang bunsong anak ni Mang Allan upang masiguro nito ang kanyang pagko-kolehiyo.

Sinama na rin iya a grupo ng mga single parents ng kanilang lugar upang matulungan na rin ng naturang samahan.

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Mang Allan na nangakong patuloy pa rin siyang magsusumikap at magsisipag sa buhay upang maging mabuting ehemplo sa kanyang mga anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel