Pulis na bully at misis nito, inireklamo ng pananakit sa 1 babae

Pulis na bully at misis nito, inireklamo ng pananakit sa 1 babae

-Deretso na kay Raffy Tulfo sa programang Aksyon ang mag-asawang sinaktan at na-bully ng isang retiradong pulis

-May mga sugat at nag-dikit-dikit pa ang mga buhok ng babaeng complainant dahil sa ginawa ng pulis at ng misis nito

-Isinangguni naman ito ni idol Raffy kay NCRPO Director Eleazar upang mabigyan ng leksyon ang pulis na bully

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Idinulog na ng mag-asawang biktima ng pananakit at pang-bu-bully ng isang pulis na kinilalang si SPO3 Carlito Guillarde sa programang Aksyon.

Dito, isiniwalat nila ang pananakit ng pulis maging ng misis nito.

Ayon sa babaeng complainant, nagtatanong lamang siya kung bakit minumura ng inirereklamong pulis ang kanyang mister.

Ngunit bigla na lamang umano siyang sinampal nito ng dalawang beses. Pagkatapos ay sinugod na rin siya ng misis nito at sinabunutan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinakita pa ng biktima ang kanyang mga sugat kay Raffy Tulfo maging ang mga nalagas na buhok nito.

Makikita rin sa video na nag-dikit-dikit at hirap na raw silang ayusin pa ang buhok ng babaeng complainant dahil sa isinaboy umano rito ng mag-asawa.

Ayon pa sa nakalap na impormasyon ng programa, siga si SPO3, na isa na palang retiradong pulis, sa kanilang lugar.

Sabi pa ng mga biktima, bully at mahilig mag-trip ang pulis. At may mga koneksyon pa umano itong mga pulis kaya naman tila nag-pa-power tripping na ito.

Dahil sa nalaman,isinangguni naman ito ni idol Raffy kay NCRPO Director Guillermo Eleazar na nangakong agad na aaksyunan ang nasabing reklamo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel