Ayon kay Bong Revilla: mga "dilawan", nagpondo ng P50M para targetin siya

Ayon kay Bong Revilla: mga "dilawan", nagpondo ng P50M para targetin siya

-Sinabi mismo ni Bong Revilla na nagpondo ang mga tinatawag na "dilawan" ng P50M para targetin siya

-Ayon pa kay Revilla, hindi raw kasi matanggap ng mga ito na hindi nagtagumpay ang mga ito na siya'y pabagsakin

-Sinabi rin nito na fake news ang lumabas na balitang pinagbabayad siya ng Ombudsman ng P124.5M

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa raw naniwala noong una ang dating senador na si Bong Revilla sa mga natanggap niyang balita na nagpondo umano ng P50 milyon ang mga 'dilawan' para targetin siya.

“May mga nagpaabot sa akin, at sa totoo lang ayaw kong maniwala, na may umiikot ngayong 50 million para targetin ako,” ayon sa pahayag nito.

“Pero sa grabe ng mga atake galing sa mga yellow social media, hindi mahirap paniwalaan. At parang natural lang naman na ipagpatuloy nila ang paninira at fake news sa akin. Binully ako ng 6 na taon, at hanggang ngayon binu-bully nila ako,” dagdag pa ng tumatakbo muling senador.

Iginiit nito na tila hindi matanggap ng mga ito na napawalang-sala siya sa kasong plunder na ikinaso sa kanya noong panahon ng administrasyong Aquino.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Ginawa kasi nila akong trophy, at hindi nila matanggap that they failed. Two words – NOT GUILTY. Korte mismo ang nagpasinungaling sa kanilang mga imbentong akusasyon,”

“Sandiganbayan na mismo ang nagsabing wala akong kasalanan. Ganunpaman, patuloy itong pinipilipit ng ating mga kalaban,” sabi pa ni Revilla, ayon sa report ng Inquirer.

Sinabi rin ng dating senador na fake news o hindi totoo ang balitang pinagbabayad siya ng Office of the Ombudsman ng P124.5 million.

“Korte na mismo ang nagsabing walang napunta sa akin – wala akong natanggap kahit singko – ano ang ipapasauli nila sa ‘kin?,” sabi pa nito. “To save face, kailangan nilang panindigan ang kanilang kalokohan.”

“Pero kitang kita na hindi sila paniniwalaan at pinapaniwalaan. Hindi sila nagtatagumpay,” anito.

“They have failed. Kaya kailangan nilang gumastos ng ganyan. Ang nakakatawa, nagsasayang lang sila ng pera,” dagdag ni Revilla.

Ayon kay Bong Revilla: mga "dilawan", nagpondo ng P50M para targetin siya

Photo source: Getty Images
Source: Getty Images

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel