Lalaking naka-wheelchair, patuloy paring naghahanapbuhay sa kabila ng kapansanan

Lalaking naka-wheelchair, patuloy paring naghahanapbuhay sa kabila ng kapansanan

- Agaw pansin ang Lalaking naka-wheelchair na naglalako pa rin ng ice cream sa kabila ng kanyang sitwasyon

- Binahagi ng netizen na si Sherrylee Molina-Baliano ang larawan ng masipag na vendor upang maging inspirasyon lalo na sa mga taong panay na ang reklamo sa buhay

- Naantig ang puso ng mga netizens sa naturang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang nadurog ang puso sa post tungkol sa lalaking naka-wheelchair ngunit naghahanapbuhay pa rin.

Ayon sa netizen na nag-post na si Sherrylee Molina-Baliano, napansin lamang daw niya ang ice cream vendor na ito sa gilid ng simbahan.

Sa kanyang pagsusuri, maaring na-stroke ang lalaki dahil mayroon naman itong mga paa pero naka-wheelcair.

Ngunit, mapapansin daw na hirap pa rin itong igalaw ang mga paa, dahilan para di rin ito bastang makaahon sa mga rampa.

Sa caption ni Sherrylee na kaya lamang niya naisipang ibahagi ang larawan ay upang magbigay inspirasyon lalo na sa mga taong panay na ang reklamo sa buhay.

Dapat lamang daw na pamarisan ang lalaki dahil sa kasipagan nito sa kabila ng kanyang sitwasyon.

Maging ang mga netizens, tunay na nakakabilib ang diskarte ng lalaking ito na di iniinda ang kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Lagi yan dto sa pleasant hapon sya naglilibot inaabutan namin kahit kunti kumita lang sya kawawa sya ung kamay nya parang nabubulok na d sya sya makakilos baka na stroke"
"Kakaawa pero gusto mabuhay kya nya gngawa yan.. Kay tay saludo po aku sa inyo.."
"Napaka buting tao po nyan ni manong dumaan din po yan samin sana po pag dumaan sainyo bilan nyo kahit ilang peraso lang kahit sa simpleng pag bili lang makaka tulong kagad kayo"
"Ito ang taog dapat tulungan dahil alam mong nagsusumikap"
"Napakasipag! samantalang yung iba diyan malalakas pa, andami namang angal sa trabaho"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagang ga-graduate, may nakakaiyak na mensahe sa pumanaw na mga magulang

Dalagang maagang naulila sa magulang, may mensahe para sa mga ito

Dalagang ga-graduate, may nakakaiyak na mensahe sa pumanaw na mga magulang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel