Viral singing sekyu, nakipagsabayan sa mga bigating singers sa ASAP

Viral singing sekyu, nakipagsabayan sa mga bigating singers sa ASAP

- Mas lalong nagpa-bilib ang viral singing sekyu na si Roy Limcaoco sa mga tao nang makipagsabayan ito sa mga bigating singers ng ASAP

- Matatandaang si Roy ang sekyu sa viral video na hinagaan sa galing nito sa kantahan

- Dream come true raw para kay Roy ang mapasabak sa kantahan sa noontime show ng ABS-CBN tuwing Linggo ang ASAP natin to'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nag-trending ang videos ng singing sekyu ng Davao Occidental na si Roy Limcaoco nang magpasiklab ito kasama ng mga sikat na singers ng ASAP natin to'.

Ngayong Linggo, Pebrero 24, binahagi ni Roy ang kwento ng kanyang buhay partikular na ang hilig niya sa pagkanta.

Nalaman ng KAMI na di nagpahuli sa husay ng pag-awit si Roy kina Piolo Pascual, Jed Madela, Jason Dy, KZ Tandingan at Janine Berdin.

Ayon pa sa ABS-CBN news, apat na kanta ang ibinida ni Roy at ito ay ang “She’s Gone,” at ang mga kantang “Goodbye” and “I Can Wait Forever” ng Air Supply.

Dream come true raw talaga para kay Roy ang nangyari na ito sa kanya sa ASAP.

Edad na 12 pa lamang kasi ay sumasabak na siya sa mga singing contest.

Maalalang si Roy ang singing sekyu sa viral video kung saan kinanta niya ng buong puso ang “She’s Gone” ng American band na Steelheart.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, mas lalong humanga ang netizens kay Roy at di ito nagpatalo sa mga bigating singers.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"galing nman ni manong! Panira lng ung 2girl may sariling mundo, dapat sana itinapat si manong kay noven bellesa para mas gumaling pa ang biritan nila, ka boses nila pareho ang air supply, tuloy sapaw ung mga naka duet nya ha ha ha....."

"Galing mo manong, panira lang yung mga OA nag open ng number mo at sinira pa nung bumara at hndi nkapasok yung dalawang girl, sa subrang bilib kse sa sarili minsan doesnt pay"

"Wow super galing...I’m so proud of you kuya secu...ASAP kunin nu n c kuya as your regular guest...ang dmi nkkgusto s knyang boses"

"Super galing ni Kuya tinalo pa boses ni janine go Kuya"

"napahiya mga singer lalo c piolo na hnd namn magaling kumanta sa taas ng boses nya"

"Ang galing galing talaga ni kuya. Lahat sila magaling talaga. Hindi nalaka sawa magaling talaga"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel