Dahil sa 'masamang hangin', eroplano, nag-emergency landing

Dahil sa 'masamang hangin', eroplano, nag-emergency landing

-Dahil sa 'masamang hangin', isang eroplano ang kinailangang mag-emergency landing

-Ang 'masamang hangin' kasi na 'ibinuga' ng isang pasahero ay pinagsimulan ng gulo at away sa loob ng eroplano

-Apat na pasahero mula sa eroplano ang sapilitang pinababa mula rito matapos ang komosyon sa loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang nagawa ang mga piloto ng isang eroplano kung hindi ang mag-emergemcy landing dahil lamang sa 'masamang hangin' na mula sa isa sa mga pasahero nito.

Ayon sa ulat ng World News, isang matandang lalaki ang sunod-sunod na 'nagbuga' ng 'masamang hangin' habang sila ay nasa byahe.

Dahil dito, dalawa sa mga pasahero na katabi nito ang hindi ito nagustuhan ngunit nagpatuloy pa rin ang 'pagbuga' ng matandang lalaki.

Kaya naman tila napikon na ang mga ito kaya naman pinagsimulan na ito ng gulo sa pagitan ng mga ito.

Umalis ang eroplano mula sa Dubai at patungo sana sa Amsterdam Schiphol ngunit nag-emergency landing sa Vienna dahil sa 'di maawat na gulo sa pagitan ng mga pasahero.

Nang makalapag, apat sa mga pasahero ng eroplano ang sapilitang pinababa na rito.

Kasama sa mga ito ang dalawang lalaki na nagsinula umano ng gulo at ang dalawa naman ay ang dalawang babae na katabi rin ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa ulat, nagalit at nais sampahan ng kaso ng dalawang babae ang airlines dahil dito. Iginiit ng mga ito na hindi nila kakilala ang mga nasangkot sa gulo.

Ngunit ayon naman sa airlines, siniguro nila na ang lahat ng kanilang staff ay well-trained at alam kung sino ang nagsimula ng gulo.

Ayon sa mga ito, kasama ang dalawang babae sa mga nagalit sa matandang lalaki sa loob ng eroplano.

Bagamat panandaliang na-hold ang apat ay agad rin namang pinakawalan ang mga ito ngunit banned na ang mga ito sa lahat ng byahe ng Transavia Airlines.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel