Netizens, nagulantang sa presyo ng binibiling prutas ni Kris Aquino kada linggo

Netizens, nagulantang sa presyo ng binibiling prutas ni Kris Aquino kada linggo

- Dumalo si Kris Aquino sa launching ng Japanese brand na Asvel at binahagi ang maganda niyang karanasan sa mga produkto nito

- Naisiwalat ni Kris ang halaga ng ginagastos niya sa prutas kada linggo

- Maraming netizens ang nag-react at nagbigay komento ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging guest si Kris Aquino sa launching ng Asvel, isang kilalang Japanese brand nitong nakaraang February 22.

Nalaman ng KAMI na binahagi ni Kris ang kanyang personal experience sa produktong Asvel.

Kilala ang Asvel sa mga food containers, lunch boxes, at iba pang kagamitan sa kitchen.

Natanong si Kris kung magkano ang budget niya para sa grocery pero pinili niyang hindi ito sagutin.

Baka masabihan lang daw siyang OA ng mga tao pag sinagot pa niya ito.

Pero naging open naman siya sa pag-share ng nagagasta niya sa prutas nila kada linggo. Ayon kay Kris, P14,000 every week o P56,000 kada buwan.

"I think 'yun ang sure na sure ako about the fruit budget. It's 14,000 a week for fruits," paliwanag ni Kris.

Narito naman ang iba-ibang reaksyon ng mga netizens tungkol sa malaking budget ni Kris para sa prutas.

"wala naman problema kasi nga maykaya naman at sya yan iba iba talaga ang pananaw ng tao kaya hayaan na natin si ms. kris"
"Mga bashers ni kris 1 month na sahod nyo 1 week lang nilang budget sa fruits hahahaha"
"We have to understand coz of Kris condition. Expensive na lahat bilhin."
"ang mga mahihirap kamote lang kinakain..."
"Pang mayaman yang budget ni kris hindi pang ordinaryong pilipino."
"AKALA KO BA MAY SAKIT ANG BABAENG ITO? OKAY LANG NA GUMASTOS SIYA , MAY PERA NAMAN SIYA DI BA? KAYA LANG TINGNAN NAMAN NIYA ANG MGA PULUBI SA LANSANGAN."
"Poverty is an ongoing problem in the Philippines,where a lot of the citizens can barely afford to put food on the table on a daily basis.As a member of the Aquino clan and his brother being ex President of said country, I believe personally it is best just to keep quiet on how much you spend on your food,etc.Let's face it, Hindi MAgandang Pakinggan."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, Kris Aquino's camp, may paninindigan na tugon sa pagka-dismiss ng kaso sa Makati. Ikinagulat umano ng kampo ng Queen of All Media ang resolusyon ng Makati Prosecutor's Office. Ayon pa sa balita, ibinasura ang reklamo ni Kris na 'qualified theft' laban kay Nicko Falcis.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features celebrity couples who showed the world how they celebrated Valentine's Day! These celebrities have shown to the world that love is truly in the air! Check out our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel