Abot-kayang pagpapagamot ng cancer, pirmado na ni Pres. Duterte

Abot-kayang pagpapagamot ng cancer, pirmado na ni Pres. Duterte

-Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act

-Sa naturang batas posibleng maging libre o abot-kaya ang pagpapagamot ng mga Pilipino ng sakit na cancer

-Ayon sa pag-aaral, ang cancer ang ikatlo sa nakamamatay na sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act.

Nilalayon ng naturang batas na matulungan ang mga Pilipino na may cancer at para na rin mapigilan pa ang kaso ng sakit na cancer sa bansa.

Sa pamamagitan nito, posibleng maging libre o abot-kaya ang pagpapagamot ng nakamamatay na sakit na ito.

Sa panayam naman ng programang Bandila kay Dr. Jorge Ignacio ng Philippine General Hospital Cancer Institute, sinabi nitong:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“May limitasyon kami dahil sa dami ng pasyente na aming hinaharap araw-araw. ‘Yung ibang mga gamot ay P100,000 more or less. Mula anim hanggang walo kada tatlong linggo. Ang isa sa gusto natin makita ay mawala ang pagkakaiba ng mayaman at mahirap,”

Sabi naman ni Dr. Nap Arevalo ng Officer-in-charge Director ng Department of Health para sa Disease Prevention ang Control Bureau:

“Ang benefit package ng Philhealth ay limited sa prostate cancer, breastcancer at cervical cancer. COvered niya ay P125,000 to P175,000.

Dito sa bagong batas na ito ay madadagan na ang atingpondo para sa medical assistance program… Kailangan ay paigtingin natin ang preventive at promotive. Mabawasan ang ating bisyo katulad ng paninigarilyo,”

Ayon sa pag-aaral, ikatlo ang cancer sa nakamamatay na sakit.

Humigit kumulang 110,000 bagong kaso ng cancer ang naitatala kada tao. 66,000 naman ang namamatay daw kada taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel