Abogada, binahagi ang naiibang relasyon nila ng taho vendor ng UP Diliman

Abogada, binahagi ang naiibang relasyon nila ng taho vendor ng UP Diliman

- Viral ngayon ang post ng isang abogada na binahagi ang kwento ng nanaibang pagkakaibigan nila ng isang magtataho

- Tinuring niyang parang tunay na ama ang taho vendor na tinatawag niyang si Tatay Dong

- Gayundin ang magtataho sa kanya na trinato naman siyang parang tunay na anak kaya naman sobra rin ang kagalakan nito nang malamang abogada na ang anak-anakan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakakaiyak na post ang binahagi ng ngayo'y abogada na si Alex Castro. Binahagi niya ang kwento nila ng kanyang tinuring na ama na si Tatay Dong, ang taho vendor na naka-pirmi sa building ng UP Diliman kung saan nagtapos si Alex.

Nalaman ng KAMI na nagsimula lamang ang kakaibang samahan ng dalawa nang unang taon pa lamang ni Alex sa unibersidad at nakakwentuhan niya si tatay Dong na binilhan niya noon ng taho.

Mula noon ay uma-umaga na itong bumibili sa matanda na tinuring na rin siyang parang tunay na anak.

Di raw malilimutan ni Alex noong Disyembre ng 2009 na maulan, nagmalasakit ang matanda na ibigay ang jacket niya kay Alex dahil sa wala itong dalang payong. Labis na naantig ang estudyante dahil pansin niya na ito ang nag-iisang jacket ng magtataho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nasuklian naman niya ang kabutihan nito nang bilhan niya ang kanyang tatay Dong ng bagong jacket. Ang nakatutuwa pa rito, proud na sabihin ng taho vendor na “Bigay ng anak ko ‘yan.”

Masasabi talaga ni Atty. Alex Castro na napakalaking bahagi ng kanyang Tatay Dong sa buhay niya sa unibersidad.

Kaya naman nang muli siyang bumalik sa UP, natunaw ang puso niya nang makita ang matanda na humahangos papalapit sa kanya. “I missed you!” ang nasambit ng taho vendor kay Alex, habang siya naman ay nagsabing “Tay, may abogado ka na.”

Malaki ang pasasalamat ng abogado sa magatataho na siyang nag-alaga sa kanya sa unibersidad. Tunay na kahanga-hanga ang pagkakaibigan nila na parang magka-pamilya pa ang trato sa isa't isa.

Dahil dito, labis na naantig din ang mga netizens sa naiibang kwento na ito ng "mag-ama."

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"saludo ako attorney,more power and god bless always."
"Congratulations to you Alex Castro and your Tatay such an inspiring story that others could follow"
" Kaiyak."
"This is a beautiful story Alex ! Masuwerto si tatay at nagka kilala kayo. At malaking swerte ka din. And congratulations to your achievements too !!!!"
"Oh my gosh. That made me cry."
"was so touched with this story..madami pa din may magagandang loob sa mundo.God bless both of you"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel