GF, galit di umano sa ex-BF na iba-iba ang babae sa bawat kompanyang pinapasukan

GF, galit di umano sa ex-BF na iba-iba ang babae sa bawat kompanyang pinapasukan

- Viral ngayon ang post ng isang babae sa kanyang ex-BF dahil sa mga binunyag niya tungkol sa "pambababae" di umano nito

- Di man kasal, ngunit pitong taon silang nagsama at mayroon silang dalawang anak

- Ang pinakabagong nobya ng lalaki ang siyang naging dahilan ng pag-alis nito sa babaeng matagal nang kinakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending na naman ngayon ang isang pasabog ng babaeng nagawang lokohin ng ama ng kanyang dalawang anak.

Ayon sa post ng Facebook page na Persona, di na raw kinaya ng babae ang garapalang pambababae ng kanyang ex-partner.

Nalaman pa ng KAMI na pitong taon itong tiniis ng babae na halos gumuho ang mundo mula ng kinasama ng lalaki.

Napahinto siya sa pag-aaral dahil siya ay nabuntis ngunit sa tindi ng pagmamahal niya sa lalaki, di niya ito binitawan hanggang sa masundan pa ang una nilang anak ng isa pang supling.

Lumipas ang panahon at kahit walang trabaho ang lalaki ay ginapang pa rin ng babae ang kanilang pamilya sa pag-aakalang mabubuo niya ito gaya ng kanyang pinapangarap.

Nang magkaroon ng pagkakataon na magka-trabaho ang lalaki, panibagong pagsubok na naman ang hinarap ng babae dahil sa mga nalalaman niyang pambababae nito.

Ang masaklap, sa kada lipat daw si umano ng lalaki sa iba't-ibang kumpanya, iba-iba rin ang nagiging babae niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang dumating ang Nobyembre ng nakaraang taon, tuluyan nang iniwan ng lalaki ang babae para na naman sa bagong katrabaho niya na kanya nang karelasyon.

Di na ito kinaya pa ng babaeng matagal na niyang karelasyon kaya naman di na nito inisip ang sasabihin ng ibang tao. Binahagi na rin niya ang larawan ng katrabaho na siyang naging dahilan para iwan siya at ang kanilang dalawang anak.

Samantala, di rin napigilan ng mga netizens na maglabas ng saloobin sa post at halos lahat ay naki-simpatya sa babaeng iniwan matapos ang lahat ng paghihirap na ginawa niya para sa lalaki.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"kung sakali mangyari to sken in the future if ever lng HAHAHA wla tlagang 2nd chance hndi aq mrunong mgbigay nun s Makating lalaki di bale ng hndi buo pamilya kesa kumpleto Papatayin ka naman s problema"
"Tapos sasabihan ng iba si ate girl na pinalit kay partner, biktima lng? Ang dapat sisihin yung lalaki. Sus! Letche! Una sa lahat sure nmn ako n alam nyang pamilyado yung guy, tas papatulan nya? Sarap lagyan ng sea urchin yung kepay ng matusok tusok eh. Pangalawa may anak na lahat lahat di na lng mag focus sa anak! Iba din pustahan mag dedeactivate ng fb yan si ateng pinalit, pati si guy na nangisda"
"Isa nanaman malanding lalaki ang nangaso! bat ba ang hilig nyo sa mga mukang mandirigma!"
"Hayy uso na tlga to sa bansa natin..Sana magka batas tau na kapag namba2e ang lalake napu2tulan xa., at sa bawat pagkabit ng mga babae sa my asawa eh tinatahi ang pgka babae."
" Trend n ata ngayon ang ipagpalit ang mga asawang magaganda s kabit n ang papangit.,sorry not sorry"
"Haha di ko alam kung nagayuma yung mga lalakeng eto ng mga kabet nila pucha pinagpalit nila yung kama sa isa isang banig laang kalalakas ng mga loob manloko kala mo mga walang responsibilidad.Sayo din ate bat di mo kaya subukan maghanap ng walang sabit. kakapankulo ka ng dugo."
" Sigh, i see myself to her in the future maybe i need to prepapre myself in these kind of situation.. parang mahirap nang magtiwala sa mga lalake ngayon"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ronnie Alonte's rumored ex-GF & friends allegedly lambast Loisa Andalio over alleged video scandal

Ronnie Alonte's rumored ex-GF & friends allegedly lambast Loisa Andalio over alleged video scandal

Ronnie Alonte's rumored ex-GF & friends allegedly lambast Loisa Andalio over alleged video scandal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel