Sa kabila ng ibinunyag ni Digong, BF ni Ashley Abad, sinampahan ng kaso

Sa kabila ng ibinunyag ni Digong, BF ni Ashley Abad, sinampahan ng kaso

-Sa kabila ng rebelasyon ng Pangulo kaugnay sa kaso ni Ashley Abad, sinampahan pa rin ng pamilya ng dalaga ng kasong homicide ang BF nito

-Tinanggap naman ito ng abogado ni Nel Spencer Tiu upang mabigyan rin ng pagkakataon ang kanyang kliyente na magpaliwanag sa korte

-Naglabas naman ng isang statement ang pamilya ng dalaga kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinampahan ng pamilya ni Ashley Abad ng kasong pagpatay ang nobyo nito na si Nel Spencer Tiu, nito lang Sabado ng umaga sa Cebu City Prosecutor’s Office.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga ebidensiyang nakalap ng mga awtoridad na nagsasabing si Ashley ang siyang may dala ng party drug na ikinasawi nito.

Sabi naman ng abogado ni Tiu, na si Orlando Salatandre, magkakaroon na ng pagkakataong i-depensa ng kanyang kliyente ang sarili nito sa korte.

“It’s (Abad family) their lookout. The President has given them the information they needed to know, but they refused to accept it. It was their call to proceed with the case or not,” sabi pa ng abogado.

Sa ulat naman ng Sun Star Cebu, una na umanong ipinahayag ni Chief Supt. Debold Sinas, direktor ng Police Regional Office 7, na posibleng humina ang laban ng kaso para sa mga Abad.

Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin nilang tina-target ang mga supplier na pinagkukuhanan ng mga party drug.

Hindi rin umano nila alam kung sino ang nagbigay ng impormasyon sa pangulo.

“We were done with the case. But to prevent the family from accusing us of hocus-pocus, we filed a case, upon the consensus.

That way, they can’t say that we sabotaged the case because of what the President recently said about the case.

The case was ready even before that. We were just finalizing it. Now, the family only wants to charge Tiu with homicide and not the others,” ayon sa pahayag ni Sinas sa salitang Cebuano, mula sa Sun Star.

Sabi pa sa ulat, iniisip na rin ng pamilya ni Ashley na sampahan rin ng kaso ang mga kasama nito at ng nobyo noong gabi ng insidente, ayon kay Benny Abad, tiyuhin ng dalaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, napag-alaman ng KAMI na isang statement naman ang inilabas ng pamilya Abad kaugnay nito.

“While there are still no words to describe our pain, but today is no longer about us. Today marks the beginning of our fight for justice not only for Ashley’s death, but also for the youth who may fall prey to drugs, betrayal and deception,”

“As the wheels of justice start to grind, we express faith in our justice system that Nel Spencer Tiu and his cohorts will be made accountable for their actions and dare them not to hide behind the phony skirt of wealth and influence,”

“Nel Spencer Tiu, we say this to you. We will bravely stay and fight and guard the legal process ferociously, even with our lives, until justice is truly served,”

“At this point, we thank those who have given us their love and support at this difficult time. Please continue to stand in solidarity with us as we move forward in this fight for justice,”

Sa kabila ng ibinunyag ni Digong, BF ni Ashley Abad, sinampahan ng kaso

Photo source: Facebook
Source: Facebook

Sa kabila ng ibinunyag ni Digong, BF ni Ashley Abad, sinampahan ng kaso

Photo source: Facebook
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel