Paglalagay ng singsing ng nobyo sa GF na namayapa na, binatikos ng ilang netizens

Paglalagay ng singsing ng nobyo sa GF na namayapa na, binatikos ng ilang netizens

-Viral ngayon ang video ng isang lalaki na lakas loob tinanggal ang takip ng ataol ng nobyang namayapa na upang lagyan pa rin ito ng engagement ring

- Imbis na kiligin, mas binatikos pa ito ng ilang netizens na tila tutol sa ginawa na ito ng lalaki sa maraming kadalhilanan

- Napansin din kasi ng ilang netizens na ginaya lamang ito sa naunang nag-viral na video kung saan babae ang naglagay ng singsing sa nobyong namayapa na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang video ng isang lalaki na nagbukas ng kabaong ng nobyang namayapa na.

Sa video na binahagi ng Relationship goals, makikita ang lalaki na matapos buksan ang kabaong sa burol ng nobya, naglabas ito ng singsing at sinuot sa kanya.

Sumunod naman niyang nilabas ang isa pang singsing at sinuot naman sa daliri ng namayapa niyang nobya. Nagawa rin niyang hagkan pa ang noo ng kasintahan.

Matapos ang lahat ng ito, di na napigilan ng lalaki na mapa-hagulhol sa tindi ng emosyon na kanyang naramdaman.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang eksena na to ng lalaki. Habang ang ilan ay humanga sa pagmamahal ng nobyo sa kasintahang pumanaw na, karamihan naman ay tila di nagustuhan ang eksenang ito sa maraming kadahilanan.

May ilang nakapagsabi kasi na parang papansin na lang ang lalaki at ginaya pa ang konseptong ito sa isang babae na naglagay din ng singsing sa namayapa niyang BF na una nang nai-balita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pati raw ang background music ay ginaya at di manlang binago. Maging ang konsepto ng paglalagay ng dekorasyon sa burol ay katulad din.

Bukod pa rito, di na rin nakaramdam di umano ng kilig ang mga netizens dahil sa di raw ito maganda para sa patay at mas lalo raw itong mahihirapang tumawid sa kabilang buhay dahil sa ginagawa ng taog nagmamahal sa kanya.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"D ako bitter. D ako basher. D ako masamang tao. Pero sa nakikita ko,pinapahirapan nyo lang un patay na palayain cya na pumunta sa kabilang buhay. D nyo ba alam,habang nakaburol pa sa tahanan nila anjn lang sya. At nakikita nya lahat ng gngwa nyo. Ako yun nahhrpn sa patay,yun ang bigat bigat sa dibdib na ang mahal ko ay parang ayw nya ko palayain. Although magkikita nmn kayo ehh sa tamang panahon. Naranasan ko na din mawalang ng mahal sa buhay,yun lng d kasintahan."
"Masyadong nagpapapansin yan May kumukuha at ipopost para nga naman nasa fb , akala e sisikat"
"Jesus! Hindi dapat binubuksan ang ataul, kc my mga mikrobyo ang taong patay. Madali syang maagnas pag ganyan at yung amoy ng pormalin. Ginoo ko. REST IN PEACE PO."
"Hindi ako basher pero Sana naman po un mga nkikita ntn s social media ay wag npo ntn gayahin ng gayahin para lang dn mpansin tayo. kc npanood ko n dn ganitong video babae nman ang gumawa lalake un nka himlay.pero sana para d po masyado obvious un tugtug manlang iniba po para d magmukang copy paste lang Just saying pero i salute s mga ganitong tao ! at ramdam ko ang pagmamahalan nilang dalawa"

Gayunpaman, may ilan paring naantig sa ginawa ng lalaki ng pagpapakita ng wagas na pagmamahal niya sa nobya. Narito ang kanilang mga komento:

"Nakakadurog ng puso....Sakit....pero Kailangan n tanggapin na Wlang permaninte sa mundo..nwawala Man xa physically..Pero ang pagmamahal mo sa Kanya."
"Waaaaah grabe naiyak ako nang subra dito ,wish ko lng habang buhay pa ako at malakas maramdaman ko na mahal ako nang mga anak"
" Iba ang feeling niya at sa feeling mo at sa paniniwala niya at higit sa lahat totoo ang pinaramdam na pagmamahal niya ikaw kung totoo ang pagmamahal mo magawa mo din yan yung halikan ang isang bangkay na ganoong katagal feeling niya yun"
"Huhuhu. This guy is different. I salute you dude. Your love is genuine."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel