Tatay na nanapak ng anak na nagyoyosi, kinampihan pa ng mga netizens

Tatay na nanapak ng anak na nagyoyosi, kinampihan pa ng mga netizens

- Nag-viral ang video ng di umano'y ama na nanapak ng anak na nakuha pang manigarilyo sa harap nito

- Wala namang nagawa ang binatilyo sa ama ngunit ang pinakitang angas ng anak sa harap ng ama ang kanyang paraan ng pambabastos sa magulang

- Dahil dito tila naunawaan ng mga netizens ang kalooban ng ama kumbakit niya ito nagawa sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng pananampal ng ama sa di umano'y bunganga ng kanyang anak na nakuhang manigarilyo sa harap niya.

Binahagi ng Facebook na Team Pinoy ang video na may caption na "Sapol kay tatay!!!"

Kitang kita kung paano humithit ng sigarilyo ang binatilyong maangas pa ang upo at nang mapansin ito ng kanyang ama, walang ano-ano na sinapak niya ito ng malakas sa bibig.

Mapapansin kasi na bagama't walang ibang impormasyon na inilagay sa post, tila kankastigo ang binatilyo sa mali nitong ginawa nang bigla itong nagsindi ng sigarilyo.

Marahil, dala na rin ng kahihiyan sa ginawa ng anak, nasapak na ito ng ama lalo pa nang manigarilyo ito sa harap niya.

Habang ang ilan ay nagsasabing di dapat ito ginawa ng ama, karamihan naman sa mga netizens ay naunawaan kung bakit nagawa ito ng magulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kung masakit yung pag sampal ng tatay niya, mas masakit yung nararamdaman ng tatay niya, na nakikitang ganyan ang anak niya."
" May circumstances na kailangan mong patikimin ng dahas ang anak mo. The way na humithit ang batang yan, halatang matagal nang nagbibisyo."
"Pero sa panahon ngayon, mas maganda kung samahan mo ng pitik ng kamay na bakal. As long as sampal, kurot, at palo sa pwet lang yan, disiplina pa rin yan."
"Sa pamilya, hindi dapat matigas ang anak kasi wala naman silang maipagmamalaki sa magulang nila. Sumunod ka hanggat nasa pangangalaga ka ng magulang mo. Kung kaya mo na buhay mo, umalis ka at saka mo gawin ang gusto mo."
"Wala akong nakikitang mali dito bagkos ito ang dapat para mga batang bago pa maging diemonyo putulan na ng sungay"
"Now i realize kung gaano ako kaswerteng tao at nadisiplina ako ng tatay ko, lahat ng sakal, batok, sampal, sinturon, hanger, patpat, at kung ano ano pa yung dinanas ko sa kanya, at napatunayan kong may dahilan ang lahat kaya nya nagawa sakin yon."

Umabot na sa mahigit 3 milyong views ang video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel