Pinay DH sa Hong Kong, binawian ng buhay dahil sa umano’y kapabayaan ng malupit na amo

Pinay DH sa Hong Kong, binawian ng buhay dahil sa umano’y kapabayaan ng malupit na amo

- Isang OFW sa Hong Kong ang humihingi ng tulong para mabigyang hustisya ang sinapit ng isang Pinay na DH

- Kung sana ay naagapan si kabayan hindi raw sana ito namatay

- Maraming netizens ang naki-simpatya sa kalunos-lunos na sinapit niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Facebook user na nagngangalang Shane Lara ang humihingi ng tulong sa social media upang ipakalat ang nangyari sa isang Pinay na domestic helper sa Hong Kong.

Nalaman ng KAMI na binawian ng buhay si kabayan na makikita sa mga larawan dahil sa umano'y kapabayaan ng amo nito.

Ayon pa sa post ni Shane, 1:00 pa lang ng madaling araw ay humingi na ito ng tulong sa amo niya dahil nahihirapan na itong huminga at sumusuka na rin siya ng dugo.

Ngunit umabot na ng 8:00 ng umaga ay wala pa ring tulong na pinaabot kay kabayan.

"HINDI MAWAWALAN NG SAYSAY ANG LAHAT NG PAGPAPAHIRAP SAYO NG AMO MO AT MAGING ANG PAGMAMAKAAWA MO NA HUMIHINGI NG TULONG SA KANYA NA DALHIN KA SA HOSPITAL DAHIL NAHIHIRAPAN KA NG HUMINGA AT NAGDUDURA KANA NG DUGO MULA 1AM AT INABOT PA NG 8AM NA HINDI KA NIYA ITINAKBO SA HOSPITAL," bahagi ng post ni Shane sa Facebook.

Kung sana raw ay naagapan ang kanyang kaibigan hindi pa raw sana ito binawian ng buhay.

Nananawagan siya sa mga kapwa OFW at kabayan na tulungan sila para makamit ang hustisya.

"A MINUTE OF CALL FOR AN AMBULANCE IS ENOUGH FOR YOUR EMPLOYER TO DO IT! YOU DON'T DESERVE TO SUFFER THAT LONG..YOUR DEATH IS UNNECESSARY IF ACTION HAS BEEN DONE RIGHT AFTER YOU COMPLAIN AND INFORM YOUR EMPLOYER!

"I WILL DO EVERYTHING I COULD TO GET JUSTICE THAT YOU DESERVE TO MAKE THAT EVIL AND HEARTLESS EMLPOYER PAY! YOUR VOICE ASKING FOR HELP WILL BE HEARD SOON AND I HOPE THAT YOUR FAMILY WILL ALSO SEEK JUSTICE FOR YOUR DEATH!

"Please Pakishare niyo Kailangan Napo Matigil Ang Pangaabuso At Makalaboso Ang Dapat Managot!

"HINDI LANG PERA ANG SAGOT DITO KUNDI HOSTISYA! KAILANGAN PO NATIN NG PAGKAKAISA PARA MAPAGTIBAY ANG BATAS NA NAGPOPROTEKTA SA KALUSUGAN AT SEGURIDAD NATING MGA MANGGAGAWA DITO SA HONG KONG.."

Maraming netizens ang naki-simpatya sa nakakalungkot na sinapit ni kabayan at tumutulong sila sa pag-share sa social media para mabigyang hustisya ang nangyari sa kanya.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

"Praying for justice. I KNOW GOD is in our SIDE and HE will FIGHT for our sisters Death... Let us continue to pray for her case"
"Dapat po talga mabigayn ng hostisya ang pagkawla nia"
"Salamat. Sana nga malinawan ang isip at lumambot ang puso ng mga taong sangkot. God bless all."
"kaylngan mag ka isa tyo at pray for her justice mga kapatid at ka ofw we need for united ... d lng pra sa knya pra stn lahat"
"hustisya para s kababayan nten d2 s hk..RIP po.."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nag-viral kamakailan ang kuwento ng misis na inirereklamo ang mister at kabit nitong OFW sa Dubai. Sa wakas ay nagharap na ang misis at mister sa 'Raffy Tulfo in Action.' Maraming bagong anggulo ang mga nabulgar sa viral nilang kuwento.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features celebrity couples who showed the world how they celebrated Valentine's Day! These celebrities have shown to the world that love is truly in the air! Check out our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel