Babaeng may dala ng tuta sa maliit na supot, binatikos dahil maling pagdadala nito

Babaeng may dala ng tuta sa maliit na supot, binatikos dahil maling pagdadala nito

- Viral ngayon ang video ng babaeng nakasakay sa jeep na may dalang tuta

- Labis na nag-alala ang mga nakapanood dahil umano sa maling pagdadala ng babae sa tuta na nakalagay lamang sa plastik bag at nagawa pa niya itong alug-alugin

- Binatikos ng mga netizen ang babae at karamihan ang nagsabi sa kanilang sana raw ay di na ito nag-alaga pa ng tuta kung di naman daw ito kayang alagaan ng maayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng isang babae na may dalang tuta sa jeep.

Nabahala ng mga netizens na nakakita ng naturang video dahil sa nakalagay di umano ang tuta sa maliit na supot at halatang hirap ito sa lagayan niya.

Isang bahagi pa ng video kung saan labis na nag-alala lalo na ang mga animal lovers ay nang nagawa pang alug-alugin ng babae ang tuta.

Ginawa niya ito marahil dahil sa lumalabas ang ulo nito at pilit niyang pinapasok sa loob ng supot.

Ang masaklap pa, nagawa ring batukan ng babae ang kaawa-awang tuta para lamang ibalik ang ulo nito sa supot.

Dahil dito inulan ng batikos ang babae at maging ang kumuha ng video na wala manlang daw ginawa upang maiayos ang lagay ng tuta.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"sana nman huag na kyong mag alaga ng aso pg mamaltratuhin nyo lng cla...be responsible pet owner d are part of the family"
"nahihirapan un huminga..mainit kaya sa part na yan ng dyip! cia kaya i plastic tas jan sa lugar n yan cia ilagay?"
"The one who took the video should slap the girl from behind..."
"Iplastik natin yung babae sabay batukan para ma feel din nya ginawa nya."
"Abnormal yata yang babae na yan. Ba't kumuha pa xa ng tuta? Sya kaya ilagay sa plastic"

"Akala mo pagkain lang yang binibitbit mo ah. Nilagay mo pa sa plastic! Bakit ka pa nag bitbit nyam kung masama lang din sa loob mo"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel