Tatlong grade 3, patay matapos malunod sa isang ilog sa Pampanga

Tatlong grade 3, patay matapos malunod sa isang ilog sa Pampanga

-Patay ang tatlong magkakaklaseng grade 3 sa Pampanga matapos maligo at malunod sa isang ilog sa nasabing probinsiya

-Sabi ng ilang residente doon, mababaw lamang ang ilog na ito ngunit may ginagawang dredging sa lugar

-Ikinalungkot naman ng labis ng kanilang guro at mga kaklase ang sabay-sabay na pagkamatay ng mga estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dead on arrival na ang tatlong grade 3 na magkakaklase na mula sa Barangay Sta. Monica sa Pampanga matapos maligo at malunod sa ilog ng Cutud.

Kinilala ang mga ito na sina Matthew Tungol, Princess Nicole Pantig at John Michael Baraclan na nagkayayaan umanong maligo noong Martes.

“Kakain na kami. Sabi po ng lolo niya, tirahan na lang natin nagko-kompyuter lang. Sabi ng anak ko, Ma si Matmat naliligo daw sa delta,” kwento ni Magdalena Espiritu, lola ni Matthew.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, inabot ng tatlong oras ang paghahanap sa mga bata bago nakita ang katawan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“'Yung pangalawang hanap po ng mister ko, ‘yan 'yung anak niya ang nakuha niya, nakataob. Hindi po ‘yan marunong lumangoy, kahit dito po ‘yan pinipilit ko pang maligo,” ayon naman kay Mary Grace Baraclan, ina ni John Michael.

Sabi ng mga residente doon, mababaw lang ang ilog pero may ginagawang dredging sa lugar kung saan nalunod ang mga bata.

Nabalot naman ng lungkot ang guro at mga kaklase ng tatlo sa naganap na trahedya.

Tatlong grade 3, patay matapos malunod sa isang ilog sa Pampanga

Photo source: ABS-CBN News / One of the student's grandmother holding his clothes
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel