Kris Aquino's camp, may tugon sa pagka-dismiss ng kaso laban kay Nicko Falcis sa Makati

Kris Aquino's camp, may tugon sa pagka-dismiss ng kaso laban kay Nicko Falcis sa Makati

- Kris Aquino's camp, may paninindigan na tugon sa pagka-dismiss ng kaso sa Makati

- Ikinagulat umano ng kampo ng Queen of All Media ang resolusyon ng Makati Prosecutor's Office

- Ayon pa sa balita, ibinasura ang reklamo ni Kris na 'qualified theft' laban kay Nicko Falcis

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na may tugon daw ang kampo ni Kris Aquino tungkol sa pagkabasura ng kaso nito laban sa dating business manager na si Nicko Falcis sa Makati Prosecutor's Office.

Ani pa sa balita ng PEP, sa opisyal na pahayag daw ng 'Fortun Narvasa Salazar Law Office,' ang legal counsel na humahawak sa reklamo ng Queen of All Media, nakasaad umano dito na magsusubmit sila ng 'motion for reconsideration.'

Dugtong pa sa balita, wala pa umano silang kopya ng resolusyon na lumabas noong Lunes, February 1, 2019, na pirmado raw ni Makati City Assistant Prosecutor Paolo C. Barcelona at inaprubahan daw ni Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel D. Medina.

Kaya raw ikinagulat umano nila na nauna pa raw sa kanila na makakuha ng kopya ng resolution ang ilang news sites, partikular na raw ang PEP, kung saan ring una naming nalaman ang balitang ito.

Nanindigan daw ang mga abugado ni Kris Aquino tungkol sa resolusyon na inalabas ng Makati City Prosecutor's Office.

Una naming ibinahagi ang balita tungkol sa pagka-dismiss ng kaso ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis sa Makati prosecutor.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel