Mister, naglahong parang bula matapos umanong umaming nakabuntis ng iba

Mister, naglahong parang bula matapos umanong umaming nakabuntis ng iba

-Wala umanong paalam na bigla na lamang naglaho ang isang lalaki sa kanyang misis

-Tumawag pa raw ito sa kanyang asawa upang aminin na nakabuntis na ito ng ibang babae

-Ang masaklap pa, tila nakalimutan na rin ng lalaki ang responsibilidad nito sa anak sa kanyang legit na asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakatiis pa ang netizen na si "Rhen" sa ginawang pag-iiwan sa kanya ng kanyang asawang si Noel.

Ayon sa isang Facebook post na ibinahagi ni Rhen sa Facebook page na Secret Pinoy Confessions, iniwan umano sila ng mister para sa ibang babae.

Pebrero 2017 nang ikasal si Rhen kay Noel ngunit sa umpisa pa lamang nila ay tila sinubok na ng lalaki ang kanyang pagmamahal ng ipilit umano nitong isangla ang kanilang wedding ring para makabili ng cellphone.

Taong 2018 nang makahanap ito ng trabaho at na-assign sa Davao. Hindi nagtagal ay umalis na rin umano ito sa kanilang tinitirahan.

Sa parehong taon, nagsimula na umanong manlamig ang lalaki kay Rhen at madalas na rin daw mainit ang ulo nito.

Hanggang sa tuluyan na itong umalis ng walang paalam. Noong una raw ay sinabi lamang nito na na-assign ito sa Pangasinan ngunit ang totoo pala ay makikisama na ito sa kabit nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi na umano ito nagparamdam pa sa kanilang mag-ina at tila nakalimutan na rin nito ang responsibilidad nito sa kanilang anak.

Pebrero 2019, naktanggap ng tawag si Rhen mula kay Noel para lamang mas magimbal pa nang aminin nitong nakabuntis na ito ng ibang babae.

Sinabi pa raw ng kanyang asawa na hindi ito ang tamang lalaki para sa kanya.

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang ginawa ni mister sa kanyang mag-ina. Ang iba ay iminumangkahi pang sampahan ito ng kaso lalo pa nga at kasal ang dalawa.

Nais ipaalm ng KAMI na bukas ang aming page para sa side ng inirereklamong mister.

Mister, naglahong parang bula matapos umanong umaming nakabuntis ng iba

Photo source: Philippine News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel