Ina, pinakain at pinainom pa ng vitamins ang anak na 48 oras nang nasa computer shop

Ina, pinakain at pinainom pa ng vitamins ang anak na 48 oras nang nasa computer shop

- Viral ngayon ang ina na nakuha pang pakainin ang anak na lulong sa computer games

- 48 na oras nang naglalaro ng 'Rules of Survival' ang anak sa computer shop kaya naisipan niya itong pakainin

- Binura na ang orihinal na video dahil sa mga bash na natatanggap nilang mag-ina ngunit nag-post muli ng panibago ang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang video ng ina na si Lilybeth Marvel Garcia kung saan di niya matiis ang anak na 'adik' na raw sa pc game na 'Rules of Survival.'

Makikita sa post ng ina na sinunson pa talaga nito ang anak sa computer shop dahil sa 48 oras nang naglalaro ito kaya naisipan niyang pakainin.

Mapapansin na halos di pa rin makabitaw ang anak na si Carlito sa kanyang laro kaya naman sinubuan pa talaga siya ng ina.

Mas nangibabaw ang pag-aalala ng ina sa anak na tila nakakalimutan na rin ang pagbabanyo bukod sa pagkain.

Dalawang taon na ang nakalipas nang magsimulang malulong sa computer game na 'Rules of Survival' ang 13 taong gulang na anak ni Lilybeth.

Mula noon, wala nang nagawa pa si Lilybeth sa adiksyon ng anak. Dumating pa nga raw sa punto na pinahinto na niya ito sa pag-aaral ayon sa dailymail.co.uk.

Ang orihinal na post ay binura na ni Lilybeth mula sa kanyang Facebook sa dami ng bashers nilang mag-ina.

Karamihan kasi ng nakakita sa video ay nagsasabing di tama ang pagkukunsinti ng ina sa maling gawi na ng anak.

Kung totoo mang huminto na ito sa pag-aaral para lamang sa laro, mas lalong nakababahhala ito at dapat na inaaksyunan na ng ina.

Ngunit, paliwanag naman ni Lilybeth, gusto lamang niyang ipahiwatig sa kanyang video na di kailangang bulyawan o paluin ang anak sa lahat ng oras para lamang disiplinahin sila.

Nilinaw din niya na mabait naman ang anak at di naman daw ito mabarkada. Nagulat na lamang siya sa mga negatibong komento na natanggap niya sa post.

Samantala, may panibagong post si Lilybeth kung saan dinala na rin niya pati ang vitamins ng anak na pinainom na rin niya rito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel