2018 Miss World PH, binanatan ng mga netizens dahil sa comment kay Pia Wurtzbach

2018 Miss World PH, binanatan ng mga netizens dahil sa comment kay Pia Wurtzbach

- Iniintriga ngayon si 2018 Miss World PH dahil sa diumano'y 'shady' comment daw nito sa post ni Pia Wurtzbach

- Bumalik na sa bansa si 2015 Miss Universe galing Hong Kong para sa kanyang Madame Tussauds' wax figure update

- Ayon sa mga netizens, bad timing daw ang nakakaintrigang komento ni Katarina Rodriguez sa post ni Pia dahil tiyempo sa homecoming ni Catriona Gray

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang iniintriga o diumano'y nakakaintrigang comment ni 2018 Miss World PH Katarina Rodriguez sa post ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil bad timing daw ito sa homecoming tribute ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ang post ni Pia ay may caption na nagbalik na nga raw siya sa bansa at nagbigay ng hint sa plano niyang pumunta ng Korea.

"Glad to be back home in Manila! But I’m already making plans to go to...drumroll please...Korea! For Pia’s Postcards. What about you? Where are you headed to this summer?"

Dito sa post na ito nag-comment si Katarina na binanatan ng mga netizens dahil 'shady' daw ito.

Sabi ni Katarina:

"Pia...you will always be our queen of queens"

Bumuhos naman ang bwelta ng mga netizens na na-iintriga sa komento ng 2018 Miss World PH.

"Am I sensing some shade? Maybe it's just me ,pero there's something wrong talaga the very moment I read this comment after watching another Queen's homecoming parade."
"@katarinarodri may tea po ba?"
"@katarinarodri are you really gonna make this comment at this time?? Shady"
"Really @katarinarodri ?"
"@katarinarodri Bakit po ngayon nyo sinasabi yan? Kung kailan naman pong tiyempo ngayon ang arrival ni @catriona_gray. Ano pong gusto nyong ipahiwatig?"

Ngayon, na i-scoop na rin siya sa Bandera, kung saan una naming naispatan ang balitang ito.

2018 Miss World PH, binanatan ng mga netizens dahil sa comment kay Pia Wurtzbach

Source: Instagram/Pia Wurtzbach
Source: Instagram

Ibinahagi namin kamakailan lang ang pagbuhos ng mga larawan at videos sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kahapon.

Si Katarina Rodriguez ay kinoronahan bilang Miss Intercontinental Philippines 2017 at umuwi na bitbit ang first runner-up place.

Last year, siya rin ang hinirang na Miss World 2018.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel