6 Beautiful Pinay celebs na may kakaibang pinaglihian noong nagbubuntis

6 Beautiful Pinay celebs na may kakaibang pinaglihian noong nagbubuntis

Makakarelate yata ang lahat ng mga babaeng nabuntis o nanganak na, na habang pinagbubuntis ang kanilang mga anak ay mayroon silang ibang mga 'cravings' na naranasan.

Sabi nila, iba-iba raw ang mga pinaglilihan ng mga buntis at may iba na kakaiba rin naman sa usual ang pinaglihan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang listahan ng mga kilalang celebrity moms na kakaiba raw ang pinaglihian noong nagbubuntis pa sa kanilang mga anak.

Heto ang 6 na kasali sa listahan ng mga famous beautiful Pinay celeb moms na may kakaibang pinaglihian umano noong preggy pa sila sa kanilang babies.

1. Sharon Cuneta

Si Megastar Sharon Cuneta raw ay may kakaibang pinaglihian noong nagbubuntis pa lang sa kanyang panganay na si KC Concepcion.

Plums umano ang pinaglihian ni Mega kay KC at mabuti na lang daw na nasa Amerika siya noong nagbubuntis kay KC kaya nakakakuha at nakakakain siya madalas nito.

2. Marian Rivera

Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera naman ay naglihi raw sa sikat na candy na White Rabbit.

Kuwento pa raw ng pretty preggy sa pagbubuntis niya kay Zia:

“Nung isang araw pa ang hinanap ko White Rabbit, 'yung candy na kinakain 'yung balat. Tapos nung isang araw, Haw Haw, 'yung candy pa rin. Kulay puti pa rin.”

3. Kris Aquino

Balut naman daw ang pinaglihian ni Queen of All Media Kris Aquino noong ipinagbubuntis pa niya si Josh.

Ang huli ay ang kanyang panganay na anak niya sa batikang aktor na si Phillip Salvador.

4. Heart Evangelista

Noong ipinagbubuntis pa raw ni Darling of the Philippines Heart Evangelista ang kanyang twins ay nahihilig daw siya sa pagkain ng mga kulay puti gaya ng gatas at iba pa.

5. Aubrey Miles

Kakaiba rin ang pinaglihian ni Aubrey Miles sa pagbubuntis sa kanyang ikatlong anak na si Hunter.

Ayon pa sa GMA News Online, ang ka live-in partner niya na si Troy Montero ang kanyang pinaglihian.

6. Toni Gonzaga

Pagbubulgar pa noon ni direk Paul Soriano sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) na siya raw ang pinaglilihan ni Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga.

Ani pa niya, palagi raw siyang hinahanap at kinakagat daw siya nito noong pinagbubuntis pa lang si baby Seve.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel