PO1, hinangaan matapos niyang bayaran ang balanse ng 1 matanda sa ospital

PO1, hinangaan matapos niyang bayaran ang balanse ng 1 matanda sa ospital

-Umani ng paghanga at papuri mula sa mga netizens ang isang pulis matapos itong mag-viral sa social media

-Kinilala itong si PO1 Edward Hina na ayon sa isang netizen ay nag-boluntaryong bayaran ang balanse sa ospital ng isang matandang lalaki

-Isa muli itong patunay na mayroong mga unipormadong handang tumulong sa taong bayan sa kahit anong paraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang social media post ng netizen na si Anna Marjorie Natividad Lodevico, umani ng papuri at paghanga ang isa nating pulis.

Ayon kay Lodevico, hindi nag-dalawang isip pa ang pulis na si PO1 Edward Hina na tumulong kahit pa labas na ito sa kanyang responsibilidad bilang isang pulis.

Sa Facebook post ni Lodevico, ibinahagi niya ang narinig na usapan sa emergency room ng isang ospital.

Isang matandang lalaki ang nakiki-usap umano sa nurse ng ospital dahil hindi sapat ang kanyang pambayad.

Nagkataon na naroon si PO1 Hina at nag-prisinta na itong bayaran ang natirang balanse ng matandang lalaki.

PO1, hinangaan matapos niyang bayaran ang balanse ng 1 matanda sa ospital

Photo source: Pinoy Updates
Source: Facebook

Nagpasalamat ang matanda at bilang kapalit ay sinabi pa nitong magta-trabaho ito para sa nag-magandang loob na pulis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit magalang na itong tinanggihan ni PO1 Hina.

Kahit pa maliit na halaga lamang ito, isa na itong malaking bagay para sa matandang lalaki.

Lubos ang paghanga at pasasalamat ng KAMI para sa pulis na si PO1 Edward Hina na lumagpas pa sa kanyang responsibilidad bilang isang alagad ng batas.

PO1, hinangaan matapos niyang bayaran ang balanse ng 1 matanda sa ospital

Photo source: Pinoy Updates
Source: Facebook

"Sana marami pa ang tulad mo may busilak na puso."

"Saludo ako sa iyo."

"Goodjob sir godbless po."

"ang mahalaga doon. nakatulong sya pasalamat nlang ang may pulis na ganyan pogi na mabait pa."

"god bless sir mabuti kng tao pagpapalain ka ni Lord sana marami pang kgaya mo salute to you sir."

"VERY good po yon. pambihira po ang magvovolunteer na mgbayad ng hospital bill kahit po kaunti yon its a great help po."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel