JV Ejercito, sinupalpal mga nagpakalat ng tarpaulin niya kaugnay sa tigdas outbreak

JV Ejercito, sinupalpal mga nagpakalat ng tarpaulin niya kaugnay sa tigdas outbreak

-Kumalat sa ilang lugar ng Maynila ang mga tarpaulin ni JV Ejercito kung saan tila isinangkot ito sa tigdas outbreak

-Hindi naman ito nagustuhan ng politiko at tinawag itong isang black propaganda

-Tinawag niyang mga walang puso ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng mga tarpaulin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panayam kay Senador JV Ejercito sa DZMM tinawag niyang black propaganda ang pagpapakalat ng kanyang mga tarpaulin kung saan tila iniuugnay siya sa isyu ng tigdas outbreak.

"Alam naman natin na election season, kasama ang black propaganda at paninira... Pero huwag naman idamay ang mga biktima na mga bata," ayon sa senador.

Hindi nito nagustuhan na tila ginawa pang katatawanan ng mga tao sa likod nito ang pagkamatay ng mga bata dahil sa tigdas.

Tinawag ang mga ito ng politiko na mga walang puso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mga nasabing tarpaulin mayroong larawan ni Ejercito habang nakangiti at may mga salitang: "Salamat sa tigdas araw-araw bata todas."

"Napakawalang puso kung sino man ang nasa likod nitong gumawa ng black propaganda na ito," dagdag pa ni Ejercito.

Ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH) nasa 136 na ang namatay dahil sa tigdas at ang mga batang edad 5 pababa ang karamihan sa biktima nito.

Si JV Ejercito ang siyang may akda sa Universal Health Care Law kung saan awtomatiko nang magiging miyembro ng National Health Insurance Program (NHIP) ang lahat ng Pilipino.

Napag-alaman ng KAMI na lumabas umano ang mga kontrobersyal na tarpaulin ilang sandali bago ito pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules.

Si Joseph Victor Gomez Ejercito o JV Ejercito Estrada ay anak ni Manila Mayor Joseph Estrada na dati ring naging pangulo ng Pilipinas.

Si Senator JV ay tatakbo muli bilang senador sa darating na 2019 election.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel