Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, inulan ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, inulan ng tulong

- Nag-viral ang larawan ng batang si "Jovel" na binahagi ng guro niyang naantig sa kanyang kwento

- Marami ang nadurog ang puso sa larawan at sitwasyon ni Jovel at labis itong kahanga-hanga dahil sa determinasyon nitong mag-aral

- Dahil sa nag-viral ang post ng guro, marami ang nagpaabot ng tulong para kay Jovel at sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral kamakailan ang post ng guro na si Jayvee na may twitter account na @Carampotpotpot tungkol sa estudyante niyang di makapagsagot ng exam sa tindi ng gutom.

Nadurog lalo ang puso ng guro nang malamang wala pang kasiguraduhan kung makakakain ang bata pag-uwi niya.

Kaya naman upang kahit na paano ay makatulong, binigay na lamang ng guro ang binayad ng ibang mgaestudyante sa test paper para lamang makakain ng hapunan ang kanilang pamilya.

Ngunit di rito nagtatapos ang tulong sa batang nakilala ng KAMI na si Jovel. Dahil sa nag-viral ang naturang tweet, may mga nagpaabot ng tulong kay Jovel sa pamamagitan ng kanyang guro na si Jayvee.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tweet ng guro noong Pebrero 19, makikita ang nakangiting Jovel na tinanggap ang mga pagkain at gamit mula sa taga-Makati na tumulong sa kanya.

Sinadya pa umano ng mabuting puso ni Architect Patria si Jovel upang ibigay ang tulong niyang malaking bagay na sa pamilya ni Jovel.

Construction worker ang ama at buntis pa ang ina na siyang nag-iintindi kina Jovel at walo pa nitong mga kapatid. Ito marahil ang dahilan kumbakit hirap silang kumain at itawid ang isang araw.

Kaya naman ganun na lamang ang ngiti ng bata nang tanggapin ang tulong para sa kanila.

Samantala, marami pa raw ang nagpadala ng mensahe kay sir Jayvee na nais magparating ng tulong kay Jovel.

Lubos din itong pinagpapasalamat ng guro na di lang naturuan ang bata, natulungan din nito ang kanilang pamilya sa kanyang munting paraan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel