4-anyos, nagsusumamo sa inang OFW habang puwersahang kinukuha ng mga Kuwaiti

4-anyos, nagsusumamo sa inang OFW habang puwersahang kinukuha ng mga Kuwaiti

- Isang 4-anyos na bata ang puwersahang inilayo sa Pinay OFW na ina ng mga Kuwaiti

- Namatay na ang asawang Kuwaiti ng Pinay OFW kaya sapilitang kinuha ng kapatid ng kanyang asawa ang kanyang anak

- Humihingi ngayon ng tulong ang Pinay OFW upang mabawi ang kanyang pinakamamahal na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinay OFW ang humihingi ng tulong sa pamahalaan ngayon upang mabawi ang kustodiya ng kanyang anak sa mga Kuwaiti.

Sa Facebook post ni Shine Cacho, nalaman ng KAMI na nakapangasawa si Shine ng isang Kuwaiti.

Kaya lang namatay ang kanyang asawa noong September 14, 2017. Dito na nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Shine.

Sinabihan siya ng pamilya ng asawa na hindi siya Kuwaiti kaya wala siyang pagmamay-ari na kahit ano, at pati anak niya raw ay di sa kanya.

Lumapit na si Shine sa Philippine embassy pero hindi siya pinansin nito.

Ang abugadong binigay sa kanya ay masama rin daw dahil siya pa yung nagsasabing ang laki ng pamilyang babanggain ni Shine.

Nang sinabihan na siya ng kanyang father-in-law na uuwi ng Pinas at maiiwan ang anak sa kanila, dito na siya nag-decide na mag-istay.

Naglayas sila sa bahay ng pamilya ng asawa noong December 3, 2018.

Kaya lang binigay ng korte ang kustodiya ng bata sa pamilya ng lalake.

Nagtrabaho naman si Shine nang maigi at siniguradong matutustusan ang kailangan ng anak.

Nang mag-appeal sila sa korte at pinakitang kaya na niya, di pa rin siya pinanigan nito.

Kinabukasan, may pulis na dumating sa bahay nila, walang warrant, dinala silang mag-ina sa presinto at dun na sapilitang kinuha si Yousef Salem Abdulgfoor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami sa mga netizens ang naiyak sa sinapit ng mag-ina sa Kuwait.

Sana matulungan sila ng ahensiya ng gobyerno. Maram rin sa netizens ang nagsabing ipa-Raffy Tulfo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How well can they imitate their celeb idols? LizQuen fans accept the LizQuen challenge and many of them nailed it! Check out the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel