Maymay Entrata, rarampa sa homecoming special ni Catriona Gray sa Big Dome

Maymay Entrata, rarampa sa homecoming special ni Catriona Gray sa Big Dome

- Rarampa si Maymay Entrata sa homecoming special ni Catriona Gray sa Big Dome

- Naging maingay din ang pangalan ng PBB Big Winner dahil sa sariling international achievement sa mundo ng fashion

- At ito pala ang rason sa likod ng nag-viral na picture ni Maymay kasama si Jojo Bragais

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na magpapakitang gilas na naman si Maymay Entrata sa pagrampa sa catwalk.

Ito ay mangyayari sa espesyal na handog para sa ika-apat na Miss Universe ng Pilipinas na si Catriona Gray.

Gaganapin raw ang naturang grand tribute sa Araneta Coliseum kasama ang mga Kapamilya stars gaya nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Bamboo, Jed Madela, KZ Tandingan, Morisette, TNT Boys, at Vice Ganda.

Ang pamagat ng event ay pinamagatang 'Raise Your Flag,' na isa sa mga 'headline-making answers' ni Cat sa Miss Universe pageant.

Si Boy Abunda raw ang magiging host ng show, ayon pa sa balita ng ABS-CBN News, kung saan una naming napag-alaman ito.

Bukod sa Kapamilya stars, feature rin sa show ang ABS-CBN Philarmonic Orchestra.

Ang direktor ng show na si Alco Guerrero ay may klinaro rin tungkol sa nag-viral na bali-balita ng mga faney na gaganap si Maymay Entrata bilang si Catriona Gray sa MMK nang magbahagi ng larawan si Jojo Bragais kasama ang PBB Big Winner.

Sa isang tweet, nilinaw ng direktor ng 'Raise Your Flag' grand tribute para Catriona Gray ang tunay at totoong dahilan kung bakit magkasama si Maymay at si Jojo sa isang photo.

Kamakailan ay nag-trending at nag-viral ang bali-balita ng pagganap ni Maymay Entrata sa life story ni Miss Universe Catriona Gray sa MMK.

Si Maymay Entrata ay gumawa rin ng kanyang history bilang kauna-unahang Pinay na rumampa sa Arab Fashion Week sa Dubai noong November 2018.

Na-i-feature rin siya sa Vogue India website gaya ni Miss Universe Catriona Gray na kauna-unahang Miss Universe na na-feature sa Vogue channel.

POPULAR: Read more news about Maymay Entrata here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel