Larawan ng estudyanteng di makasagot sa exam dahil sa matinding gutom, nag-viral

Larawan ng estudyanteng di makasagot sa exam dahil sa matinding gutom, nag-viral

- Nag-viral ang post ng isang guro tungkol sa kanyang estudyanteng di makapagsagot sa exam

- Nadurog ang kanyang puso nang malamang di pa pala ito nanananghalian gayung alas singko na ng hapon

- Hinangaan ng guro ang estudyante na determinadong pumasok kahit walang laman ang bulsa at wala ring laman ang tiyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa Twitter post ng isang guro kung saan binahagi niya ang kwento ng kanyang kahanga-hangang estudyante na masipag pa ring pumasok kahit walang laman ang sikmura maging ang kanyang bulsa.

Kwento ng guro na si Jayvee at may twitter acount na @Carampotpotpot, napansin daw niyang balisa ang estudyante habang ang lahat ay tahimik na nagsasagot ng kanilang exam.

Inakala pa ng guro na kaya di makapagsagot ang bata ay dahil wala siyang pambayad na piso para sa test paper. Kaya naman binigyan na lamang niya ito at di na siningil.

Maya-maya pa'y sinabi ng katabing bata ng estudyante na nahihilo raw ito. Doon nalaman ng guro na gutom pala ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag- alamang niyang di pa ito nanananghalian gayung alas singko na ng hapon.

Ikinuha muna ng kaklase ang bata ng biskwit at tubig na inutos ng guro dahil di ito makalabas at nagbabantay sa klase.

Lalong nadurog ang puso ng guro nang malamang araw-araw palang pumapasok ang bata kahit wala itong kapera-pera at wala ring baon.

Ito raw ang batang labis na kahanga-hanga dahil sa kabila ng kahirapan, determinado at nagsusumikap itong pumasok sa paaralan araw-araw upang matuto.

Dahil dito, ang mga binayad ng mga bata para sa test paper ay binigay na rin ng guro sa estudyante upang kahit na pano ay may sigurado itong makain manlang pag-uwi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel