Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

- Di magkamayaw ang Pinoy fans sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

- Napuno ang mga kalsada sa ruta ng naturang parada para sa ating Miss U

- Bumuhos ang maraming kuhang larawan sa homecoming parade ni Cat sa social media

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi magkandaugaga ang mga Pinoy fans sa pagkuha at pag-share ng mga pictures ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang homecoming parade at spotted ng KAMI ang ilan sa kanila.

Sakay umano ng isang lava-inpsired float si Catriona, ayon pa sa balita ng PEP.

Pumarada ang Pinay beauty queen sa Metro Manila ngayong hapon ng Huwebes, February 21.

Dagdag pa sa balita, sa Sofitel Hotel grounds sa Manila raw nagsimula ang parada na dumaan sa Roxas Boulevard patungong Buendia at nagtapos sa bandang dulo ng Ayala Avenue sa Makati.

Pansamantala namang huminto sa pagtatrabaho ang mga empleyado sa mga gusali at establisyimento na nakasama sa ruta ng homecoming parade ni Catriona.

"Yung kainitan ng parade niya pero di ininda! Love you Queen!"
"Raise your flags!!"
"Thank you din for raising our flag to the universe"
"Masyado kang fresh kahit nasa initan! The general public can't relate."
"Still in awe, you're so pretty and full of enthusiasm, love you Queen Cat "
"My heart is happy. #CatrionaGrayHomecoming"
"Salamat sa karangalang ibinigay mo sa kasaysayan ng ating bansa! Mabuhay ka."

Habang busy sa kanyang homecoming parade ay busy rin ang mga netizens sa pag-view ng kanyang Vogue video feature na nag-viral.

Si Catriona Gray ang pang-apat na Pinay beauty queen na inuwi ang korona ng Miss Universe.

Siya rin ang kauna-unahang Miss Universe at 2nd Pinay beauty na na-feature sa Vogue.

At posibleng maging 'tourism envoy' ng Pinas, ayon na rin sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na ibinulgar kamakailan lang ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

POPULAR: Read more news about Catriona Gray here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel