Viral video ng 1 bata na binalak umanong tangayin, nagdulot ng takot sa marami

Viral video ng 1 bata na binalak umanong tangayin, nagdulot ng takot sa marami

-Isang batang lalaki umano ang binalak na tangayin ng isang matandang lalaki na hinihinalang nangbibiktima ng mga bata upang ibenta

-Agad naman umanong nakalayo ang bata mula sa sinasabing lalaki at tumakbo sa loob ng paaralan nito para magsumbong

-Maraming netizens ang nabahala sa naganap na ito lalo pa at kamakailan lamang ay nabalita na rin ang tungkol sa isang sindikato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Takot at pangamba ang makikita sa mukha ng isang estudyanteng lalaki na binalak umanong tangayin ng isang matandang lalaki.

Kwento ng bata, nagawa niyang makatakas sa lalaki nang pilit siyang nagpumiglas mula sa pagkakahawak nito sa kanyang braso.

Sabi pa nito, hinila siya ng matandang lalaki papunta sa isang kotse.

Maraming netizens ang lubos na nangamba sa video ito lalo pa at kamakailan lamang ay naibalita rin ang pagkakahuli sa isang babae na nangunguha ng mga bata.

Ang viral video na ito umabot na sa mahigit 20,000 shares sa Facebook.

"panuorin mo to.. Nandito sa gapan nueva ecija kumukuha ng mga bata.. Jusko kahit saang lugar yata kalat na sila. Pls.. Po pagsabiha nyo mabuti mga anak nyo wag aalis mag isa o palabas labas na mag isa lalo na kung sa school."

"Doble ingat talaga ang kailanga sa mga anak."

"S mga magulang ingatan po ntin ang mga anak ntin khit hndi po totoo ito..sna s mga check point hndi single n motor lng ung icheck sna pti ung mga nkaVAN o kotse."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Diyos ko dapat tlga my mga nkkabit n cctv lalo sa mga schools at dpt my nkmonitor lage sa cctv."

"Police officers and brgy official.. need na talaga may nakaduty sa bawat school... Specially sa elementary.. iintayin paba natin na may mawalang Bata at may magreklamo.... Ito Napo Ang kaylangan .."

"Lumaban Ang bata Alam Nya kkunin cia kya pumalag ng husto dhil kpg meron nkakita ddumugin yon kumukuha ng bata."

"sa kinauikulan sa pangulo sana mkarating sa inyo mga balitang ito etong mga taong gumagawa nito ang lapatan ng kamay n bakal."

Bagamat hindi napatunayan kung ang insidente ay may kaugnayan sa balitang may sindikato na nangunguha ng mga bata, nagdulot pa rin ito ng takot at pangamba para sa karamihan, partikular na sa mga magulang.

Hangad ng KAMI ang kaligtasan ng lahat lalo na ang mga kabataan na nagiging target ng mga masasamang loob.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel