Catriona Gray, bet daw ni Pangulong Duterte na maging 'tourism envoy'

Catriona Gray, bet daw ni Pangulong Duterte na maging 'tourism envoy'

- Bet daw si Catriona Gray ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging 'tourism envoy'

- Ibinunyag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang balitang ito noong Lunes

- Hindi naman nagpapigil ang mga netizens na mag-react sa naturang ulat at bumuhos ang iba't ibang reaksyon ukol dito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na si Catriona Gray umano ang gusto ni President Rodrigo Duterte na maging tourism ambassador pagkatapos ng kanyang termino bilang Miss Universe.

Ito raw ay ibinunyag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat noong Lunes, February 18, sa launch ng pinalakas na bagong tourism campaign.

Sinabi raw ng secretary na nagpahayag ang pangulo sa kanyang intensyon na i-tap ang 25-year-old beauty queen bilang 'tourism envoy' nang nag-courtesy call daw ito sa presidente noong Disyembre.

Ani pa raw ni Tourism Secretary:

“He actually said that after her (Gray's) term, [he] wants her to be like an envoy for tourism—tourism ambassador because she's really been…even before she won as Miss Universe she was already promoting our country and so it's but fitting."

Dagdag pa sa balita ng Phil Star Global, magkakaroon daw ng meeting ang Department of Tourism at si Catriona Gray sa susunod na linggo para sa posibleng pakikipagtulungan kaugnay sa pagpropromote ng turismo.

At tila agree naman ang ibang netizens dito.

"Yes, please!!! She's qualified for the post more than anyone else."
"Very qualified..Beauty and brain si Ms. Catriona"
"Yes! She’s perfect for the job."

Si Catriona Gray ang reigning Miss Universe na sumikat at tumatak ang 'lava walk with slow-mo twirl' na pinag-usapan sa buong mundo.

Ani pa nila, siya lang daw sa halos lahat ng kandidata na prinomote ang turismo ng Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa ng mga videos na nag-trend.

POPULAR: Read more news about Catriona Gray here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel