Pres. Duterte revealed that Ashley Abad was the one who 'carried' the ecstasy

Pres. Duterte revealed that Ashley Abad was the one who 'carried' the ecstasy

-Isang rebelasyon ang inilahad ni Pres. Duterte sa kanyang speech sa Palace's Rizal Hall kaugnay sa kaso ni Ashley Abad

-Ayon sa pangulo, ang dalaga ang siyang may dala ng ecstasy na naging dahilan ng kanyang maagang pagkamatay

-Una nang naibalita ang pakikipagkita ng pangulo sa pamilya ni Abad at doon umano inihayag nito ang nangyari noong gabi ng Sinulog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang speech sa Palace's Rizal Hall noong February 20, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang rebelasyon kaugnay sa kaso ni Ashley Abad.

Ayon sa pangulo, si Ashley ang 'source' ng ecstasy na naging dahilan ng maaga niyang pagkamatay.

Matatandaang dalawang linggo bago nito ay nakipag-usap ang pangulo sa pamilya ng dalaga sa Malacañan Palace.

"Nag-reklamo sila, they want justice. Pero nakita nila, na-recover ng forensics examination pati ‘yung... She was the one who was actually texting another girl na maghati sila doon kasi ‘yung isa, reserba niya para sa kanyang boyfriend, ‘yung missing until now," pahayag ng pangulo.

"And to make a long shot guess na galing sa boyfriend, eh siya ‘yung may hawak eh. Siya nga nagsabi doon sa text, para ito sa boyfriend niya. So hindi ma-ano sa nanay pati tatay na...," dagdag pa ni Digong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inamin rin ng pangulo na nais niyang umiyak dahil sa pagkamatay ni Ashley.

"I wanted to cry with them, not because na sentimental ako by the profound sorrow ng... May anak rin ako eh. Iyan ang problema..." sabi pa ni Pangulong Duterte.

Samantala, una nang naibalita ng KAMI na nakipag-ugnayan na ang BF ni Ashley sa mga awtoridad noong February 13 at sinabing hindi ito ang nagbigay ng ecstasy sa nobya.

Ayon naman sa ulat ng Sun Star, alam na ng Cebu City Police Office (CCPO) kung kanino nakakuha ng ecstasy si Ashley ngunit hindi na muna nagbigay ng impormasyon tungkol dito.

Una nang naiulat ng KAMI ang pagkamatay ni Ashley Abad noong Enero, gabi ng Sinulog, dahil sa drug overdose na napatunayan rin sa autopsy na isinagawa rito.

Naging person of interest rin ang nobyo at ilang kaibigan nito na kasama ng dalaga noong gabi ng insidente.

Pres. Duterte revealed that Ashley Abad was the 'source' of ecstasy

Photo source: Sun Star
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel