7 taong gulang na babae, muntik nang mag-suicide dahil sa udyok ng mga kalaro

7 taong gulang na babae, muntik nang mag-suicide dahil sa udyok ng mga kalaro

- Naagapan ng isang ina ang posibleng pagpapakamatay ng kanyang pitong taong gulang na anak na babae

- Nabigyan ng ideya ang anak dahil sa di umano'y udyok ng mga kalaro nito online

- Laking gulat ng ina na naiguhit ng bata ang sarili nito na nakabitin, senyales ng ideya nito ang tungkol sa pagpapakamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Meridy Leeper. Si Meridy ay may pitong taong gulang na anak na babae na nahihilig sa mga online games na roblox, fortnite at maging ibang napapanood na laro sa Youtube.

Ayon kay Meridy, sa mga larong ito nakakuha ng ideya ang kanyang anak kung paano patayin ang sarili.

Dahil sa nabahala ang ina, kinausap niya ng masinsinan ang anak kumbakit nais niyang patayin ang kanyang sarili.

Sinabi nito na di naman niya nararamdamang di na siya mahal o di siya tanggap ng pamilya. Marami lamang daw talaga ang nag-uudyok sa kanya na gawin ito.

Ang masaklap pa rito, pinakikita pa ng kanyang mga kalaro kung paano niya ito magagawa.

Linggo ng gabi nang napansin ng ina ang anxiety attack ng bata, niyakap niya ito at kinantahan hanggang sa makalma ito.

Subalit kinabukasan, Lunes, mas lalong nabahala ang ina sa ginuhit ng anak. Isang batang babae na binitin ang sarili ang nasa larawang guhit ng anak.

Di raw talaga alam ng ina kung ano ang mararamdaman sa larawan. Di raw niya akalain na mangyayari ito sa kanyang pitong taong gulang na anak.

Laking pasalamat na lang daw niya na dala marahil ng pagiging bata, nakapagsabi ng nararamdaman ang anak sa ina.

Dahil dito, naapulahan ng ina ang maaring ikapahamak ng kanyang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel