Bagong layang preso, bugbog sa taumbayan dahil sa muling panghoholdap at panghihipo

Bagong layang preso, bugbog sa taumbayan dahil sa muling panghoholdap at panghihipo

- Dalawang oras pa lamang ang nakakaraan mula nang siya ay nakalaya, nakagawa na muli ng krimen ang suspek na nakilalang si Mark Reyes

- Nagawa agad nitong mang-holdap at manghipo ng babae at tinutukan pa umano ito ng stick

- Parehong kaso ang ginawa ni Mark tulad ng naging dahilan ng kanyang pagkakakulong noong Hulyo ng nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinuyog ng taumbayan ang bagong laya na si Mark Reyes dahil sa panghoholdap sa isang 23 anyos na babae sa NIA Road, Barangay Pinyahan sa Quezon City noong Pebrero 18.

Ayon sa GMA news, naglalakad lamang umano ang babae nang biglang sinabunutan siya ng suspek, inakbayan saka sinabing kukunin niya ang pera at cellphone nito. Napansin din ng biktima na siya'y duguan na dahil sa tusok ng stick na tinutok rin ng suspek.

Nalaman pa ng KAMI na binantaan pa umano ang biktima na papatayin kung pumalag ito.

Maswerte pa ring nakahingi ng tulong ang biktima sa mga taong kanilang nadaanan.

Dahil dito, nakuyog si Mark lalo pa at bukod sa panghoholdap, nagawa pa nitong hipuan sa maseselang bahagi ang biktima at hinalikan pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa Staff Duty Officer na si Police Inspector Gina Abay, dalawang oras pa lamang daw ang nakalipas mula nang makalaya si Mark. Nakulong ito dahil sa parehong kaso ng robbery holdup at acts of lasciviousness.

Di naman naitanggi ni Mark ang nagawa. Barbecue stick daw ang ginamit niyang panusok sa biktima na malayo sa akusayong pagpatay dito.

Paliwanag ni Mark, nagawa lamang daw niya iyon sa kagustuhang magkaroon ng pamasahe pauwi ng kanilang probinsya.

Inaasahang balik kulungan na naman ang suspek.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel