Amang may brain cancer, pumanaw ilang oras matapos makita ang bunsong anak

Amang may brain cancer, pumanaw ilang oras matapos makita ang bunsong anak

- Pumanaw ang amang may brain tumor ilang oras matapos masilayan ang bagong silang na bunsong anak

- Naniniwala ang kanyang misis na tila hinintay lamang ng mister na maipanganak ang kanilang bunso upang masilayan manlang ito bago siya tuluyang mamahinga

- 2015 nang ma-diagnose si Brett Kinloch na may brain tumor at tumagal pa siya ng ilang taon dahil na rin sa determinasyon pa rin niyang mabuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang kwento ni Brett Kinloch, isang ama na may brain tumor na pumanaw ilang oras matapos masilayan ang bagong silang niyang bunso.

Ayon sa BBC news, naniniwala ang asawa ni Brett na si Nicola na tila hinintay lamang daw ng kanyang mister na maipanganak at makita ang kanilang bunso bago ito tuluyang mamahinga.

"There was no doubt about it, he waited for her," emosyonal na pahayag ni Nicola.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magkaiba ng ospital ang mag-asawa. Kaya naman wala pang isang oras pagka-panganak, hiniling na ni Nicola na madala ang bunso nilang si baby Ariya sa ama.

"I put her by his face and laid her by his arm and got his hand and stroked her hair," kwento ni Nicola.

Maswerte pa rin daw na nakakuha pa siya ng larawan ng mister at ni baby Ariya. Ngunit ang masakit para sa kanya, di na sila magkakaroon pa ng kumpletong family picture.

Dating PE teacher si Brett at biniyayaan na sila ng dalawang babaeng anak bago si baby Friya.

Taong 2015 nang matuklasan ang brain tumor ni Brett ngunit nanatili itong positibo at di nawawalan ng pag-asa. Ito marahil ang dahilan kumbakit tumagal pa siya ng ilang taon bago tuluyan nang mamahinga.

Pumanaw si Brett noong Pebrero 11 sa edad na 31. Nasa tabi niya ang kanyang oras ng sandaling iyon.

Tanging magagandang alaala na lamang ang kanilang babalikan tungkol kay Brett lalo pa at malapit ito sa dalawa niyang anak. Katunayan, iniidolo daw talaga ng mga ito ang kanilang ama.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel