Babae, nalubog sa ₱500,000 na pagkakautang para lang di umano sumikat sa Instagram

Babae, nalubog sa ₱500,000 na pagkakautang para lang di umano sumikat sa Instagram

- Minsan nang nalubog sa utang ang babaeng si Lissette Calveiro sa pagtatangka niyang maging Instagram influencer

- Kinuwento niya kung paano umabot ng halos kalahating milyon ang kanyang utang para lamang maging epektibo ang kanyang mga Instagram post at maituring na "influencer"

- Maswerteng nakabangon pa rin ito sa pagkaka-utang na labis na niyang pinagsisisihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na nilahad ni Lissette Calveiro kung paano siya nalubog noon sa pagkakautang na umabot sa halos kalahating milyon.

Ayon sa Female network, parang barya na lamang daw kay Lisette ang gumastos ng $200 dollars o manumbas ₱10,000 madalas para lamang sa mga damit at gamit. Dapat kasi laging mukhang bago at di inuulit ang mga nakikita ng kanyang followers sa Instagram.

Isa pa rito ang gastos niya sa kanyang mga trips at pagta-travel. Muli, ang mga ito ay para maging epektibo ang kanyang mga Instagram post at maituring na influencer.

Ang isa sa pinakamalaking ginastos niya ay ang pagpunta pa sa Austin, Texas, upang makapanood ng concert ng performer na si Sia noong 2016. Tinatayang nasa $700 ang kanyang nagastos o nasa ₱37,000.

Nang maisipan niyang lumipat mula New York at manirahan na lamang sa Manhattan, doon niya naisip ang mga nagastos niya sa kanyang mga "luho."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tulong ng financial coach at pagbabago ng kanyang lifestyle, nakabangon muli si Lissette matapos ang isang taon at dalawang buwan.

Nabayaran niya ang kanyang pagkaka-utang at masaya siya na naisipan niya itong gawin. Nagsisi lamang siya at huli na nang maisip niyang sana, ang pera na ginastos sa luho ay inipon na lamang niya o naka-invest.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel