Foreigners, naluha at naantig sa Jolibee Valentine's commercial

Foreigners, naluha at naantig sa Jolibee Valentine's commercial

- Sina Mike at Nelly ng 'Making it Happen vlog' sa Youtube ay di pinalampas ang popular na Jollibee Valentine's ad

- Di raw madalas gumawa ang couple na ito ng mga reaction videos ngunit dahil sa marami sa kanilang mga followers ang humiling, kanila itong pinagbigyan

- Labis lamang daw talagang naantig ang dalawa sa popular na Jollibee ad at di nila napigilang maluha sa kanilang reaction video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang reaction video ng vlogger couple na sina Mike at Nelly ng 'Making it Happen page' sa Youtube.

Kamakailan, pinagbigyan nila ang hiling ng karamihang Pinoy followers na gumawa daw umano sila ng reaction video tungkol sa popular na Jollibee Valentine's day ad ngayong 2019.

Madalas kasi ay tungkol sa mga lugar na pinupuntahan nila ang vlog na pinakikita nila sa Youtube, ngunit dahil sa nabighani sila sa Pilipinas at mahal nila ang mga Pinoy followers nila, Sinunod nila ang hiling ng mga ito.

Sa umpisa ng vlog, inamin ng dalawa na wala silang ideya kung ano ang kanilang mapapanood.

Napansin din nina Mike at Nelly na 'emosyonal' ang tema ng naturang ad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang patuloy nila itong pinanonood, nakuha pang magbiro ng dalawa na nahihirapan lamang ang babae sa Jollibee ad na mamili sa lalaking nagbigay ng "yumburger" o sa lalaking nagbigay ng "chickenjoy."

Hindi nila agad nakuha ang takbo ng kwento hanggang sa bahagi na nag-alay na ng bulaklak ang babae sa puntod ng isa sa dalawang lalaki sa video. Pumanaw na pala ito apat na taon na ang lumipas.

Nang matapos ang video, di napigilang maluha ni Nelly, at maging si Mike ay naging emosyonal din.

Inakala kasi nila na dahil Jollibee ang gumawa ng ad ay masaya na ang tema nito. Di nila akalain na mapapaluha sila ad.

At kahit natapos na sa panonood, patuloy pa rin sa pag-iyak si Nelly. Ayon naman kay Mike, "powerful" daw ang naturang video. Noon niya lamang nalaman kumbakit marami ang nagbibigay ng reaksyon sa popular Valentine's ad ng Jollibee.

Sinubukan pa niyang pakalmahin si Nelly sa pagsasabing "It didn't really happened" na agad namang sinagot ni Nelly na ito ay "based on a true story."

"Sad" ang paglalarawan nila rito ngunit nagpapasalamat pa rin sila sa mga nagbigay suhestiyon na gawan nila ito ng reaction video.

Upang maibsan ang kanilang kalungkutan, pinakita na lamang nila sa kanilang subscribers ang mga alagang kuting para naman maging good vibes pa rin ang kanilang vlog.

Ang Jollibee Valentine's commercial ay tungkol kay Anne, isang babae na sa una'y aakalain mong may dalawang lalaki sa buhay. Sa huli, pinakitang patay na pala ang una niyang minahal na si Paul at handa na siyang magmahal muli sa katauhan ni Jay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel