Pangarap ng 1 lola na maging guro, nais na lang makamtam ng apo

Pangarap ng 1 lola na maging guro, nais na lang makamtam ng apo

-Nangarap raw si Conchita Tolosa na maging isang guro noong siya ay bata pa

-Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay kinailangan na niyang mag-hanapbuhay kaya naman kinalimutan na lang niya ang pangarap

-Ipinasa niya ang pangarap sa anak ngunit nabigo rin dahil nabuntis ito ng maaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bata pa lamang si Conchita Tolosa ay nangarap na itong maging isang guro ngunit ito ay nabigo dahil sa hirap ng kanilang buhay.

Kwento ng 61-anyos na lola, nais niyang maiba ng landas mula sa pamilya nila na ginawa na lang hanapbuhay ang mag-bungkal ng lupa.

Ngunit hindi na ito natupad pa ni lola Conchita dahil kinailangan na niyang kumayod para sa pamilya.

Dahil sa pagkabigo, nagsumikap na lamang siya na itaguyod ang kanyang nag-iisang anak.

Mag-isa niya itong ginawa dahil maaga siyang nabalo sa asawa.

Ngunit tila mailap ang tagumpay para sa kanya dahil maaga ring nabuntis ang anak na si Annalyn Tolosa.

Masama man ang loob ay wala na itong nagawa pa kung hindi ang tanggapin ang kapalaran nilang mag-ina.

Tinakasan kasi si Annalyn ng naka-buntis sa kanya, kaya naman sa poder pa rin sila ng ina naninirahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang apo naman ni lola Conchita na si Princess ang inaasahan niyang magtutuloy sa kanyang pangarap.

Sa kabila ng edad niya, patuloy na kumakayod si lola Conchita. Hanggang ngayon ay makikita pa rin siya sa maliit niyang pwesto, sa isang gilid ng daan sa San Juan.

Katulong kung minsan ang anak at ang apo, patuloy na gumagawa o nagre-repair ng mga sapatos ang dapat sana'y nagpapahinga na lamang na matanda.

Sa kabutihang-palad naman, nang maitampok ang kanyang istorya sa programang Mission Impossible ay napagkalooban ng scholarship ang apong si Princess.

Masayang-masaya ang mga ito lalo pa hindi na nila kailangan pang mag-alala para sa pang-kolehiyo ni Princess, na inaasahan ni lola Conchita na tutupad sa kanyang pangarap.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel