Tatay na sekyu, nireklamo ng anak at gusto pang ipakulong

Tatay na sekyu, nireklamo ng anak at gusto pang ipakulong

-Inireklamo ng ginang na si Thelma ang kanyang manugang na hindi na nagbibigay ng tamang sustento para sa mga anak nito

-Nasa kustodiya na kasi ni aling Thelma ang mga bata simula ng pumanaw ang kanyang anak na ina ng mga ito

-Samantala, ang isa sa mga anak nito ay masamang-masama ang loob dito at nais pang makulong ang sariling ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasama ang isang apo, dumulog ang ginang na si Thelma Lopez sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kanyang manugang na si Rodrigo Acheta.

Reklamo ng ginang, hindi na ito nagpapadala ng sapat na sustento para sa mga anak.

Nasa kustodiya na kasi nito ang mga anak ni Rodrigo dahil pumanaw na ang kanyang anak na asawa ng lalaki.

Habang si Rodrigo naman ay nagta-trabaho bilang security guard sa Pangasinan.

Nagkaroon na daw sila ng kasunduan sa barangay na magpapadala ito ng P2,000 para panggastos ng kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hindi na ito natupad pa.

Hindi naman na itinanggi pa ni Rodrigo ang mga reklamo ng biyenan at sa halip ay nangako ito na magpapadala na.

Upang makatiyak, kinausap ni Raffy Tulfo ang opisina ni Rodrigo para makasiguro na magagampanan nito ang responsibilidad nito.

Samantala, ang anak naman ni Rodrigo na kasama ni Thelma ay umiiyak na kinausap ang ama. Nais na rin daw nitong makulong ang sariling ama dahil hindi raw ito nagbibigay ng sustento.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel