Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit

-Umiiyak na dumulog ang isang ginang kasama ang panganay nitong anak para ireklamo ang haligi ng kanilang tahanan

-Bukod kasi sa hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa kabit nito ay pilit pa silang pinapipirma nito sa isang agreement kapalit ng hinihingi nilang sustento

-Ang mas ikinasasama pa ng loob ng mag-ina ay nang malaman nila na mas marami pa umanong naipundar si mister para sa kabit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkasamang dumulog ang ginang na si Wilma Bautista at ang panganay nitong anak na si Mariel para ireklamo ang haligi ng kanilang tahanan na si Cyril Bautista, dating OFW.

Hindi na raw kasi ito umuuwi sa kanila dahil naninirahan na ito sa kabit nito.

Bukod rito, pilit daw silang pinapipirma nito sa isang agreement kung saan nakasaad na hindi na nila ito guguluhin pa kapalit ng P100,000 na kanilang hinihingi upang maiayos ang kanilang bahay.

Reklamo pa ng mag-ina, napag-alaman nilang tila mas marami pang naipundar si Cyril para sa kabit nito tulad ng RTW na negosyo nito.

Ngunit mariin itong itinanggi ng lalaki at sinabing ang babae nito ang siyang nag-pondo sa nasabing negosyo.

Iginiit rin nito na ang agreement na pinapipirmahan niya ay para lamang makatiyak siya na hindi na magkakaroon ng gulo sa pagitan nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit sa kanilang pag-uusap sa programang Wanted sa Radyo, lumabas ang mga kinimkim na sama ng loob ng legal na asawa nito maging ng anak nito.

Ayon pa sa mag-ina, muntik na umanong magpakamatay ang isa pang anak nila dahil sa sobrang depresyon sa nangyari sa kanilang pamilya.

Si Mariel na rin mismo ang nagsabi na dati pa niyang nahuhuli ang ama na may kalaguyo at nakikita pa raw niya ang mga kalaswaan nito.

Samantala, nais naman ni Wilma na kasuhan ang kabit ng asawa nito dahil na rin sa labis na sama ng loob nito.

Sa tulong ni Raffy Tulfo, nagkasundo ang dalawa na muling mag-usap ng pormal upang maisaayos na ang kanilang kasunduan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel