Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

- Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, ay ang bagong modelo ng Sports Illustrated Swimsuit magazine

- Ito ang sekreto na ibinahagi ni Kelsey na malaking project na gagawin niya pagkatapos mapabilang sa VS

- Ngayon, sobrang proud naman ang kanyang mga followers kaya bumuhos ang mga reaksyon mula sa kanila

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sobrang saya at puno ng pasasalamat si Kelsey Merritt na mapabilang sa sikat na Sports Illustrated magazine pagkatapos maging Victoria's Secret Angel at spotted ng KAMI ang magandang balitang ito.

Nagbahagi ng videos at pictures si Kelsey sa nasabing photoshoot niya para sa sikat na magazine.

Sa unang video na shinare niya ay ipinahayag niya ang pagiging kasali niya para sa "iconic issue" ng naturang magazine.

Ani pa niya sa kanyang caption:

"I’ve been keeping this a secret for a while, and now I’m so excited I get to finally share with you all that I’m the newest Sports Illustrated Swimsuit 2019 Rookie!!!"

At nagbahagi rin ng mga sneak peek photos at BTS si Kelsey sa nasabing issue, na ayon pa sa caption sa isa sa kanyang post ay lalabas ngayong Mayo.

Marami naman ang bumilib sa kanya sa mga sneak peek at BTS shots.

"Wow! You made it to the Sports Illustrated magazine! Congrats @kelseymerritt!"
"Grabe syaaa"
"Deym hot."
"Super gorgeous model"
"You nailed it"
"Cover worthy"
"You are every inch of a beauty!!!"
"May nanalo na!"
"Killing it Kelsey!

Pagkatapos maihilera kina Adriana Lima, Behati Prinsloo, Gigi Hadid, Bela Hadid, Kendall Jenner, at marami pang iba sa Victoria's Secret Fashion Show ay makakasama na rin siya sa record ng mga sikat na modelo ng Sports Illustrated.

Naging modelo sa naturang swimsuit magazine sina Chrissy Teigen, Irina Shayk, Heidi Klum, Kate Upton, Ashley Graham, at marami pang iba.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel