Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'

Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'

- Nag-viral ang video ng mga batang beki na todo ang pagrampa sa kalsada

- Kahit pa yapak ang mga ito, aakalain mong nakasuot ito ng sapatos na may heels

- Pumalo na sa 5.5 million views ang naturang post sa dami ng natuwa sa dalawang batang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa at napangiti ng dalawang batang beki na di nahihiyang rumampa kahit pa sila'y nasa gilid lamang ng kalsada.

Sa viral post na binahagi ng netizen na si Kyra Bayaban Jandayan, makikita ang dalawang batang paslit na nakataas ang maiksing short habang nakabuhol din paitaas ang suot na sando.

Ayon pa sa caption ng post na "Catriona gray is shaaakkkiiiinnngggg" tila kinabog nga ng mga batang beki na ito ang 'lava walk' ng ating Miss Universe 2018 dahil sa galing ng paglakad at mga ikot ng dalawang ito.

Ang nakakatuwa pa, kung lumakad sila ay aakalain mong nakasapatos ang mga ito na may heels kahit ang totoo ay wala sila maski tsinelas.

Samantala, tuwang tuwa rin ang mga netizens na nakapanood ng cute na video ng magkaibigan.

Ang karamihan sa kanila ay tila kinakanchawan pa ang kanilang kaibigan at nanghahamon kung kaya ba nila ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May Mga Future ang mga batang ito"
"padami padin sila ng padami, nakaktuwa"
"Nakakaaliw tong mga batang ito, hahaha, pag nalulungkot nga ako pinapanood ko ulit to"
"Hala sila o! hahaha. nakakatuwa naman kala mo naka-heels"
"Adorbs!bata palang may future na!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel