Coleen Garcia, umalis na sa Star Magic at nag-ober da bakod sa Viva

Coleen Garcia, umalis na sa Star Magic at nag-ober da bakod sa Viva

- Umalis na si Coleen Garcia sa Star Magic pagkatapos ng 7 years sa pagiging contract star nito

- Ngayon, isang Viva talent na ang dating It's Showtime host at misis ni Billy Crawford

- Isang 5-year contract daw ang pinirmahan ng 26-year-old actress sa naturang talent management

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumipat na nga raw si Coleen Garcia ng ibang talent management, ayon pa sa balita na nasagap ng KAMI.

Ani pa sa entertainment media, kung saan namin unang naispatan ang balitang ito, pumirma ng kontrata ang 26-year-old actress at dating It's Showtime host.

Ibinalita ng PEP na pagkatapos daw ng pitong taon bilang isang Star Magic artist ay umalis na raw sa bakuran nito ang magandang misis ni Billy Crawford.

Pumirma umano ng 5-year contract si Coleen sa Viva Artist Agency, Inc. noong Lunes, February 18, 2019.

Ani pa sa ulat, nakatakda raw na gumawa ang aktres ng 10 films sa naturang talent management agency.

Pahayag naman daw ni Coleen pagkatapos ng contract signing:

“It really took me a long time to decide and I figured that with this new chapter in my life, I really just want a fresh new start also, and I wanted a new beginning."

Sa paliwanag daw ni Coleen, isa sa mga malaking bagay na kinonsider niya sa paglipat na ito ay ang pag-focus umano sa pag-arte sa pelikula.

“Kasi I’m really passionate about films. And I have been also wanting to work on more films, and I haven’t had the chance lately."

Si Coleen Garcia ay isa sa mga orihinal hosts ng It's Showtime ng ABS-CBN kung saan nagkilala sila ng kanyang mister ngayon na si Billy Crawford.

Apat na taon din siyang naging host ng naturang noontime variety show.

POPULAR: Read more news about Coleen Garcia here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel