4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

-Mga kalarong hindi nakikita raw ang nagligtas sa 4 na taong gulang na bata na himalang nakaligtas sa sunog sa QC

-Dati na rin daw napapansin ng mga kaanak nito ang mga kakaibang ikinikilos ng bata

-May paliwanag naman ang isang eksperto tungkol dito at nagbabala rin ito kaugnay sa posibleng kondisyon ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4 na taong gulang na batang si Precious Tabuena mula sa malaking sunog na tumupok sa bahay nila sa Brgy. Socorro, Quezon City.

Inakala ng lahat na kasama nang naabo ng bahay ang bata at ayon pa sa lola ng bata ay inihanda na nila ang sana'y paglalagakan sa bangkay nito.

Laking-gulat ng lahat ng bigla na lamang sumulpot si Precious sa isang bahagi ng kanilang bahay. At ayon sa mga kaanak nito ay sa ilalim ng dalawang water tank daw nagtago ang bata.

Hindi rin maipaliwanag na ligtas at hindi man lang naapektuhan ang baga ng bata sa kabila ng pagkaka-trap nito ng apat na oras sa natutupok nilang bahay.

Ngunit ang mas ikinabigla ng marami ay nang sabihin nito na may mga nagligtas daw sa kanya.

Mayroon itong tinukoy na lolo at dalawang maliit na nilalang na palagi raw niyang nakikita at nakakausap.

Sinabi rin ng bata na ito raw ay mga anghel at ayon daw sa mga ito ay aakyat din daw siya sa langit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa isang paranormal expert na kinuha ng Rated K nang maitampok ang istorya ni Precious, posibleng isang kapre at mga dwende ang mga 'kalaro' ng bata.

Maaari rin umanong itinakda ang bata upang maging isang albolaryo pagsapit nito sa tamang edad at ang 'lolo' na tinutukoy nito na posibleng ang kapre ang siyang protektor nito.

Samantala, sabi naman ng isang psychiatrist at parapsychologist, normal lang sa isang bata na magkaroon ng imaginary friend.

Posible ring may kinalaman ang mga ito sa dating buhay ni Precious.

Nagbabala naman ito kaugnay sa ikinikilos ng bata na maaari raw makaapekto rito.

Maaari rin daw masaktan nito ang sarili o kaya ay maka-panakit rin ito ng iba. Kailangan daw na matignan ito ng isang child psychologist.

Hindi rin daw malabo na masaktan at mapahamak si Precious ng mga 'kalaro' nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel