Misis, sinundan si mister! Huli sa akto habang kasama ang kabit nito

Misis, sinundan si mister! Huli sa akto habang kasama ang kabit nito

-Isang Thai woman ang nakadiskubre sa kanyang mister na nangangalunya bagamat itinanggi pa ito ng lalaki

-Dati na umanong naghihinala ang ginang na may kalaguyo ang kanyang asawa

-Nahuli niya pa ito sa akto habang kasama ang kabit umano nito sa kanilang sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nagdalawang isip pa ang isang ginang mula sa Thailand na sundan ang kanyang mister isang araw nang umalis ito.

Dati na kasi itong kinukutuban na mayroong kalaguyo ang asawa.

Kaya naman gamit ang hiniram na motorsiklo ng kaibigan, sinundan niya ang mister habang minamaneho nito ang kotse nito.

Nang tumigil at bumaba ang kanyang asawa ay doon na lumapit ang ginang at nadiskubreng may kasama nga itong ibang babae sa loob ng sasakyan.

Pilit pa nitong itinatago ang mukha sa pamamagitan ng buhok nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagawa namang kunin ng legit ang bag ng babae at doon niya nakita ang ilang condoms at ilang gamot pampagana para sa pagtatalik!

Pilit nitong pinalalabas ang babae ngunit hindi ito lumabas mula sa loob ng sasakyan.

Habang patuloy na nagwawala ang ginang ay dumating naman ang kanyang mister at sinabi pa nitong wala itong ginagawang masama.

Ito ay sa kabila ng mga nakita ng ginang mula sa bag ng babae!

Sa halip na pakalmahin nito ang asawa ay nagawa pang iwan nito ang misis kasama ang kabit nito!

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, lalong bumilib kay Toni Gonzaga sa bagong vlog niya na nagta-tiangge

Netizens, lalong bumilib kay Toni Gonzaga sa bagong vlog niya na nagta-tiangge

Netizens, lalong bumilib kay Toni Gonzaga sa bagong vlog niya na nagta-tiangge
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel