Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

- Ipinaliwanag ni Isabelle Daza ang tunay na rason sa nag-viral niyang kontrata

- Ang naturang kontrata ay para sa kanyang mga kasambahay na nag-trending online

- Bumilib naman ang mga netizens pati na rin si Tito Boy nang mag-guest si Belle sa TWBA

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinahagi ni Isabelle Daza kay Boy Abunda sa 'Tonight With Boy Abunda (TWBA)' ang rason sa pagbuo ng kanyang nag-viral na kontrata na ipinost niya sa kanyang IG story na naispatan ng KAMI.

Bungad sa paliwanag ni Isabelle na ang kanyang mister na si Adrien Semblat pala ang nag-suggest sa kanya nito.

Ani pa ni Isabelle:

"I'm not gonna take the credit for this. My husband told me that I need to have a contract with the maids because it protects both parties.

Inexplain naman daw ng mister ang tungkol dito.

"You have to write down their list of deliverables para if something happens, you can't get mad at them for forgetting your charger when it's not their job."

Sa paniniwala rin ni Isabelle:

"It also gives them dignity I think to have a 'piece of paper (contract),' and I think, of course, people are always afraid to lose their job."

Patuloy pa na paliwanag ng Playhouse actress tungkol sa pag-explain niya sa kontrata para sa kanyang mga kasambahay:

"Listen, I can't fire you just because I'm in a bad mood or I'm hungry."
"I wanted them to have something that will make them feel they can like sleep better and will also appreciate them. So, they would also know their kpi and deliverables."

Tugon naman ni Isabelle sa tanong ni Tito Boy tungkol sa pagbibigay niya ng vacation bukod pa sa day-off :

"Tayo nga napapagod ng 5 days a week. Why do we expect them to be in our house 7 days, di ba? They also need a life."

At sa reaksyon naman ng kanyang mga kasambahay nang ibinigay ni Isabelle ang kontrata sa kanila:

"They were very touch because they didn't feel like they deserve one."

Bukod pa rito ay tinutulungan din ni Isabelle ang kanyang mga kasambahay na mag-ipon.

"I also help them save. I gave them a bank account. I said, 'okay, pag-December na, titingnan ko kung magkano na ang naipon mo at dodoblehin ko."
"I wanna help them reach their own goals."

Nagbigay din siya ng questionnaire sa kanyang mga kasambahay gaya ng mga tanong na kung kailan daw sila nalulungkot para raw makilala niya ng husto ang kanyang mga kasambahay.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Isabelle Daza ang detalyadong kopya ng kontrata ng kanyang mga kasambahay, na pinag-usapan ng husto sa online world.

Si Isabelle Daza ay ang anak ng dating beauty queen-turned-actress na si Gloria Diaz.

Isa ng misis si Isabelle kay Adrien Semblat at mommy ni baby Balthie.

Pinsan niya si Georgina Wilson, na kasamahan rin niya sa grupong IT Girls.

Dati ring host si Isabelle sa Eat Bulaga ng GMA-7 at ngayon ay makikita sa Playhouse ng ABS-CBN, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

POPULAR: Read more news about Isabelle Daza here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel