Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

- Si Chris Watts ng Colorado, USA ay habang buhay ikukulong dahil sa pinaslang niya ang kanyang buntis na asawa at ang maliliit nilang mga anak

- Ginawa niya ito matapos maging kabit ang kanyang katrabaho na si Nichol Kessinger

- Naging usap-usapan ang pahayag ni Kessinger ukol sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalake sa Colorado, USA ang naging laman ng headlines dahil sa malagim na krimen na ginawa niya sa sarili niyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na pinaslang ni Chris Watts ang buntis niyang asawa na si Shannan Watts at ang dalawa nilang anak na babae na sila Bella, 4, at Celeste, 3.

Ayon sa report ng This is Insider at Inside Edition, pinatay ng lalake ang kanyang pamilya matapos nitong magkaroon ng kabit na nagngangalang Nichol Kessinger, na katrabaho niya.

Nag-bigay naman ng pahayag sa The Denver Post si Kessinger ukol sa nangyari.

Ayon sa kanya, hindi pa umabot ng dalawang buwan ang kanilang relasyon. Nagkikita raw sila mga 5-6 beses kada linggo noong sila ay nagka-relasyon.

Ang paliwanag daw sa kanya ni Watts ay hiwalay na sila ni Shannan kaya pumayag siyang makipagrelasyon dito.

Nagulat na lamang si Kessinger nang makita ang balita na nawawala na si Shannan at ang mga anak nila ni Watts. Ikinagulat din niya na buntis pala si Shannan.

Paliwanag pa ni Kessinger, nagustuhan niya si Watts dahil mukha itong mabait na tao.

Pero nang malaman niya ang pagkawala ng pamilya nito, tumulong na siya sa imbestigasyon ng pulis upang lumabas na ang katotohanan.

“I don’t think there is a logical explanation for what he did. It’s a senseless act, and it’s horrific…

“When he spoke to me, he was very softspoken. He appeared to be a good listener. I believed him…

“He made me believe that he was doing all of the things that a rational man and good father would do.

“I was very confused why the media was at his house… When I read the news, I found out he was still married and his wife was 15 weeks pregnant.

“I thought, ‘If he was able to lie to me and hide something that big, what else was he lying about?’ ” she said.

“It got to a point that he was telling me so many lies that I eventually told him that I did not want to speak to him again until his family was found.

“I just wanted to help… With a pregnant woman and two children missing, I was going to do anything that I could,” sinabi ni Kessinger sa The Denver Post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos patayin ang kanyang pamilya, itinago ni Watts ang mga bangkay ng bata sa oil tanks habang ang bangkay naman ng asawa ay ibinaon niya sa lupa malapit sa mga tangke.

Maraming social media photos at videos ang pamilya na tila baga masaya ang kanilang pamilya kaya naman gulat na gulat ang netizens sa nangyaring ito.

Dahil sa mga CCTV footages at lie-detector test, napilitang umamin si Watts sa krimen kaya nasintensyahan siya ng habang-buhay na pagkakakulong.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel